Nang makaabot na sila sa destination nila ay sakto namang nasa labas si Jeanie. Nakita ito ni Ella. "Patay di ako nakapagtext sa kanya, lagot ako," sabi ni Ella sa sarili at bumaba na ito sa sasakyan. "Salamat," pagpapasalamat niya kay Enzo sabay sara ng pinto ng kotse. Tiningnan ni Enzo si Ella na papunta kay Jeanie at hinug ito. "Saan kaba galing? Magrereport na sana ako sa pulis eh!" pag-alala ni Jeanie. "Totoo ba yong natulog ka doon sa boyfriend mo? May bf ka ba? At sino yong nasa kotse?" dagdag pang mga tanong ni Jeanie. "Wala akong bf no! Atsaka yong nasa kotse malapit niya akong masagasaan kahapon kaya nahimatay ako. Dinala niya ako sa bahay niya," pag papaliwanag niya. "Hindi ka ba niya ginalaw o sinaktan?" tanong ulit ni Jean. Dinaig pa nanay ng iba. "Okay lang ako. Anong

