Matapos niyang maghanda ay inilapag niya na lahat sa lamesa. Napaisip si Ella kung ano nga ba talaga ang ginagawa ni Enzo sa kwarto niya? May balak kaya itong masama sa kanya? Wala naman siguro dahil ang type ng boss niya ay yung mga sexy lang atsaka bakit ba siya nag-iisip tungkol doon? "Tawagin ko na nga lang ang mokong na iyon!" sambit niya sa sarili. Pinuntahan niya ito sa kwarto niya at natulog ito ulit. Inalog- alog niya ito pero di nagising. "Hoy! Handa na yong pag-kain sa lamesa!" sigaw niya kay Enzo. Nagising naman ito pero di parin bumabangon at nakatitig lang sa kanya. Ang weird yata ng titig ng halimaw. "Alam mo may ipapagawa ako saiyo," sabi ni Enzo habang naupo sa kama. Napa-isip naman si Ella kung ano nanaman ang ipapa-gawa ng boss niya. "Ano naman yang ipapagawa mo saak

