Kinabukasan ay itinuloy nga nila Jeanie at Jay ang plano. Maaga silang gumising atsaka iniwan na ang dalawa. Nang magising si Enzo ay agad siyang pumunta sa Dining area ng resort. Nag taka siya dahil wala ang love birds. Na-isip niyang baka namasyal lang. Nag-order siya ng dalawang kape, itinake out niya ito atsaka siya bumalik sa kanyang tent. Nag-hintay si Lorenzo na lumabas si Ella. Sinilip kasi niya ito kanina kaya alam niya na nasa loob pa ito. Ilang saglit lang ay lumabas na nga ito at nag-stretching. Hindi napansin ni Gabriella na nakatingin pala si Lorenzo sa kanya. Nang mag-yawn siya ay saka palang niya nakita ito. Dali-dali naman niyang isinara ang bibig niya. Inayos din nito ang damit atsaka nag-clear ng throat. Nag-chukle lang si Lorenzo at iniabot ang coffee. "Good morning

