Nakauwi si Sater na natutuwa dahil tumaas daw ang posisyon ng kumpanya niya at magcecelebrate daw sila. "So saan mo gusto icelebrate? Dito o sa labas?" tanong ni Lera na natutuwa sa ibinalita ni Sater. "Hmm, here. I want it here. Gusto ko masolo kita," paglalambing ni Sater kay Lera sabay halik. "Lambengero ka talaga!" sabi ni Lera sabay pinch kay Sater. 'Kaya ang hirap mong iwan eh' dagdag niya sa isip niya. "Di naman siguro bawal maglambing? And we should get married soon," sagot ni Sater sabay wink kay Lera. Di nakasagot si Lera sa last sentence ni Sater knowing na mawawala siya. Masaya pakinggan pero dapat iwasan na muna. "Maghanda na tayo?" pagiwas ni Lera sa marriage thing. Di naman napansin ni Sater ang pagiwas ni Lera kaya nagoo narin ito. Nagluto sila ng mga paborito nilang

