Na-gising si Lera ng alas 7 at nataranta pa ito baka pagalitan dahil hindi maaga nakapaghanda. Inayos niya ang kanyang kama at nagmadaling lumabas. Tahimik ang lugar at naisipan niya na baka natutulog pa yong amo niya na nalimutan niya ang pangalan basta ang alam niya pogi yon.
Nagluto na siya ng agahan at nang di pa din bumaba ang boss niya naglinis siya. Alas 10 na at wala padin. Na-isipan niyang gisingin ito o di kaya'y kaya di yon bumaba dahil binangongot at namatay?
"Pag-namatay yon siguradong yari ako," bulong niya sa sarili. "Makapag tv na nga lang sabi naman ni ma'am Lily pwede raw pag tapos na," sabi nito. Kaya nag tv ito, nag scan at sawakas may nakita ito. Channel na nagsasayaw.
Hinawakan ni Lera ang tyan niya, "lumalaki ka na bilbil ko. Hindi naman siguro masama kung magsasayaw ako. Matagal pa siguro yon gigising si boss."
Nagising si Sater mga 30 minutes pass 11. Nanghilamos ito at nang maalala ang kagabi, tumaas ang isang sulok ng labi nito.
Bumaba na ito at nagulat nalang nang makita ang maid nitong gumigiling at kumikimbot kimbot. Kinilabutan naman si Sater at napag-isip na 'ang weird ng maid niya'.
Natapos ang sayaw at hangang hanga si Sater kay Lera kaya pinalakpakan niya ito.
Lumingon si Lera kay Sater. Ngumise at nagbow pa ito pero ng mamalayan niya na si Sater pala ang tao bigla na lang itong bumagsak sa sahig at ginawang pantabon ang carpet.
Nabigla na natatawa si Sater dahil napaka weirdo talaga ng bagong maid niya at naaliw siya nito. Nilapitan niya ito. Balot na balot sa carpet, para bang lumpia.
"You can come out now," sabi ni Sater na natatawa sa kanya at kinukuha ang carpet para makalabas si Lera pero talagang nakabalot ito at walang planong lumabas.
"No! Shame is me! Sorry not know there you are, sir!" sigaw ni Lera na nahihiya at patuloy na nakabalot. Dahil sa sagot ni Lera mas lalong tumawa si Sater.
"Unbelievable! You're the funniest person I have ever met," sabi ni Sater na sobrang natatawa. Ang pagkakaintindi naman ni Lera ay 'imposible, Karne ka ba' dahil inakala niya ang met ay meat.
"No, not eat me. At oo nga imposible nga ako kainin mo. Hindi po ako karne, food in table," sabi ni Lera na parang natataranta.Ngumoso din ito sa lamesa. Mas natawa naman si Sater, naisipan tuloy ni Lera na baka baliw ang amo niya dahil tawa ito ng tawa.
"Di naman kita kakainin. Nakakatawa ka lang talaga," sabi ni Sater na naupo na sa sahig.
Kumawala bigla si Lera sa carpet at tinitigan si Sater. Aba marunong naman palang mag tagalog tong lalaking to pinalabas ko pa ang mahalagang english knowledge ko, isip ni Lera.
"Marunong ka naman palang magtagalog sir! Me tired of speak english," sabi nito kay Sater.
"Di ka naman nagtanong ah. Atsaka kumain ka na ba?" tanong nito kay Lera. Parang nakalimutan na naman ni Lera ang kahihiyan niya. Pero sa isip ni Sater alam na na hindi yon mabubura.
"No sir yet," sagot nito. Parang di naman ito nahihirapan kaka english eh, isip ni Sater.
"Lets eat, then."
Inayos ni Lera ang carpet at kumuha ng dalawang plato atsaka kutsara at tinidor.
"Not hot the food sir. Me cook it 7 am," sinabi ni Lera habang umiinom si Sater ng Juice kaya naman muntik niya na itong mabuhos. Di na nga siya nag eenglish pero english padin ng English ang maid niya. Wrong grammar pa naman, minsan nga di naiintindihan.
"Its okay. Bakit nageenglish ka pa eh nagtatagalog na ako," tanong nito kay Lera na abala sa pagkain.
"Eh ikaw kasi sir! Nakakahawa ang english mo ayan tuloy nakaka English ako. Okay lang naman sir diba? Nakaka salita rin naman ako," sabi nito. Kahit natatawa na si Sater pinipigilan nito at baka patayin siya ng maid niyang di marunong sa English.
"Yeah. Say, gusto mo turuan kita?" tanong ni Sater out of nowhere. Nabigla naman si Lera. Pangarap niyang maturuan ng English at ngayon may nag offer na turuan siya. Napatigil siya kasi baka may kapalit ito.
Tinaas niya isang kilay niya, "may kapalit po ba ito?" tanong ni Lera.
"Wala itong kapalit. Gusto ko lang tumulong," sabi ni Sater kaya parang lumilitaw na sa kalangitan si Lera. At last nagka-intindihan na sila.
"Me say yes in that you are said," sabi niya na wala na sa earth ang isip.
Dahil sa napagkasunduan nilang dalawa, tuturuan ni Sater si Lera ng libre.
Day one
Sinabihan ni Sater si Lera na kung di ito magising ay gisingin niya na ito. Tapos na itong maghanda ng agahan ang kulang nalang ay si Sater. Kaya umakyat ito sa taas at kumatok. Ilang ulit niya ng ginagawa yon pero walang sagot kaya na-isipan niyang pumasok nalang.
Binuksan niya ng dahandahan at sumilip ito. Parang okay naman kaya tumuloy na siya at ayun nga nakita niya si Sater na tulog.
Di panaman siguro ito magigising kaya tinitigan muna ni Lera si Sater.
"Ay! My sir is handsome," bulong nitong kinikilig at kulang na lang lumundag.
"No! Di yon dapat iniisip ko, sila mama dapat," bulong nanaman nito. Magulo na isip nito kahit di naman dapat.
"Gisingin ko na nga lang," bulong niya sa sarili pero napatitig nanaman siya sa mukha.
"Bakit ba ang pogi mo sir? Sana magkaroon ako ng ...ayy wag na marami pa akong pangarap. Swerte kayong mayayaman wala masyadong problema sa pera," sabi nito. Pero ang di niya alam ay gising na si Sater kanina pa lang nung kumatok siya.Nagbuntong hininga si Lera at nagpasyang tama na ang titig at gisingin na ito.
"Sir! wakeee, wakey! You teach me!" malakas na sigaw nito para magising talaga ito. Pero di parin bumabangon ang gising na si Sater.
"Sir! The sun is shine!" ulit niyang sigaw. Kahit natatawa na si Sater pinipigilan nito ang matawa.
"Ay ayaw talaga. Baka kelangan pa akong magsasayaw dito. Ay! Buhusan ko nalang kaya ng tubig," sabi nito.
"Ay baka magalit, sipain nalang kaya kita sir para magising ka."
Inalog alog niya si Sater pero di parin. Kaya ang na isipan niya, total naman malaki ang kama ni Sater, inocupy niya ang isang side.
Akala ni Sater tatabihan siya nito pero tumayo ito at naglulundag lundag.
"Ayaw mo magising sir? Ayan sir shake on ground! Lindol!" sigaw nito habang tumatalon talon. Di na natiis ni Sater kaya binukas niya na mata niya at hinila pahiga si Lera, pinatong ni Sater ang isang kamay para di umalis.
"What are you doing?" tanong niya kay Lera habang nakapikit ang mata. Titig na titig naman si Lera sa kanya.
"Wake you sir! Good morning sir," sagot nito na nahihiya.
"Alam mo bang ikaw palang ang pangahas na pumasok sa kwarto ko?" sabi nito at natakot naman si Lera baka gahasain siya nito.
"Sorry sir, I not know in that," sagot niya kay Sater. "Sir, bangon na," pahabol nito.
"Ang aga pa," sabi ni Sater.
"Gusto mo sir hampasin kita ng kaldero? Or di kaya hampasin kita ng tambo? Mabubuhay ka talaga dun sir at di mo masasabing ang aga pa," sabi ni Lera na ngumingise.
"Bat mo naman naisip ang ganun?" tanong ni Sater.
"Noon kasi sir pag ako di na gising ng maaga, pinapalo ako para maging alisto," sagot nito.
"Masakit yon. Tulog ka nalang kaya jan," sabi ni Sater.
"Sir di po ba to awkward?"tanong niya.
"San mo nakuha ang salitang yon? Atsaka wala namang masama ah di naman tayo nagloloko. Tutulog lang," sagot ni Sater.
"Sa kapit-bahay," sabi nito na nakangise.
Hanggang sa umabot na ng alas 10 nakahiga parin sila at chitchat ng chitchat pa. Para na silang matagal na magkilala.
"Sir, hindi yon ganun!" correction nito.
"Wag mo na nga akong tawaging sir. Parang ang tanda ko na niyan. I'm only 18," sabi ni Sater.
"Ako 20," sabi ni Lera.
"Wag mo nga akong lokohin. Kababanggit mo pa nga na 17 ka pa at next year kapa magdedebut sa imagination mo," sabi nito.
"Oo nga pala noh, papasok kapa sa school?" tanong nito kay Sater habang nakakamot sa ulo.
"Pagtapos na ang vacation, ikaw? Gusto mo pumasok?" tanong niya.
"Pagtatawanan lang ako. Pag nakatapos yong mga kapatid ko magpapa tutor ako sa kanila," sabi nito na nagmamalaki.
"Hanga ako sayo,"sabi ni Sater. "Ang tibay mo pero inosente."
"Ako pa," ani ni Lera. "Hoy Sater! Where is you teach me English? Its near twelve!" sigaw nito with a baby voice.
"Maya na lang, promise ko yon," sabi nito.
"Sater, baba na ako ah? Gutom na ako eh," sabi nito. Nagbuntong hininga si Sater.
"Fine."