EP2. An Angel Fell From Heaven

1676 Words
Ryker's POV "I'll send everything over right away. Thank you again for the opportunity to work on this project! If you have any questions or need anything, feel free to reach out." And then I end the call with my foreign client. After kong tapusin ang tawag ay agad ko na din sinend sa email ang completion project form as final requirement para sa freelance online job na ginawa ko. Compose an email message, attach a file, click, and send. Finally, natapos din! Tinanggal ko na ang nakakabit na headset sa aking tenga, sinara ang laptop at pagkatapos ay tumayo na ko para lumabas ng room at gutom na ako, maghapon ako ngayon nag-work dahil rush ang project na pinagawa sa akin pero worth it naman dahil ang taas naman ng offer kaya sulit na rin ang pagod, tsaka minsan lang makatagpo ng client na hindi kuripot kaya dapat samantalahin. Pagkalabas ko ng aking room ay agad ako'ng naglakad papunta sa kusina para buksan ang ref. "Oh, fùck!" mahina kong sambit at nakaramdaman ng panlulumo habang nakatingin sa loob ng ref namin na walang kalaman-laman, puro tubig lang. Bigla ko tuloy naalala si Yhanie, medyo matagal na rin pala siyang hindi napunta dito, palagi kasing may dalang rasyon na pagkain 'yon, nakalagay pa sa plastic container tapos may pangalan pa ng dish, at date kung kailan niluto, and since hindi na siya palaging napunta dito ay naging madalang na rin ang pagkakaroon ng laman na pagkain ang ref na ito. Walang buhay kong isinara ang pinto ng ref, at nag-isip kung ano ang aking gagawin. I have two options: either lumabas ako para bumili ng kakainin ko or mag-order through a food app delivery. Bumalik ako sa kwarto ko para kunin ang cellphone ko sa ibabaw ng desktop table ko, and then lumabas ulit ako para pumunta sa sala. Pumuwesto ako ng upo sa couch, at sinimulan ang pag-scroll ng mga list ng fast food or food resto sa app. Magpapa-deliver na lamang ako. Napatigil ako sa aking ginagawa ng bigla na lang bumukas ng pabalang ang pinto, at napatingin ako doon. Dumating ang kapatid kong si Rylan. Mabilis, at padabog ang lakad na ginagawa niya, at iyong itsura ng mukha niya halatang wala sa mood or badtrip na hindi maipinta, at ang kanyang mga mata ay para bang mamula-mula na tila ba... "Oh, fùck!" mahina kong sambit, at agad ako'ng tumayo para sundan siya sa kanyang kwarto. Hindi ko na nahabol pa ang pinto ng silid niya na kasasara pa lang kaya pinihit ko muli ang doorknob para buksan. "What happened?" sabi ko sa kanya habang nakatayo ako sa pintuan ng kwarto niya. Nakaupo na siya ngayon sa edge ng kama, at nakatapat na sa tenga niya ang kanyang cellphone pero ibinaba niya, at nilingon ako. "Melanie broke up with me!" sabi niya habang nahikbi. "Yes," mahina kong sambit. "Ano'ng sabi mo?" Buti medyo bingi siya, at hindi masyadong narinig. "A-ang sabi ko ay why? Bakit siya nakipag-break?" Palusot ko. "I don't know, bigla bigla na lang, we just hanging out, maghapon ako'ng nasa bahay niya, nag-movie marathon pa nga kami buong maghapon, napasarap na nga kami sa panonood at hindi na namalayan na gabi na pala kaya I tell her na mag-stop na muna kami sa panonood dahil kailangan na namin mag-ready para sa halloween party na pupuntahan namin, tapos 'yon bigla na lang siyang nawala sa mood at sinabi niya na pumunta daw ako'ng mag-isa, at huwag na daw ako'ng magpapakita sa kanya kahit kailan." "And then, what is your response to what she said?" sabi ko habang naglalakad palapit sa kanya. "Sobrang nabigla ako!" sabi niya sa malakas na boses na may pagkumpas pa pataas ng kanyang dalawang kamay sabay tayo na siyang ikinapitlag ko. Parang ako naman ata ang nabigla ngayon dahil bukod sa halos pasigaw na siya sa pagsasalita at hindi ko napaghandaan ang biglaan niyang pagtayo kaya ako naman ang umupo sa pwestong inalisan niya, at pinagmasdan ko ang pagbe-breakdown ng kapatid kong si Rylan na mukhang nahihibang na nang dahil lamang sa isang babae. "Alam mo 'yon, maghapon kaming magkasama na masaya tapos biglang makikipaghiwalay siya kaya hindi ako pumayag sa gusto niya, I tell her I need a valid reason pero ang sinasabi lang niya ay basta ayaw na daw niya, pagod na daw siya sa relasyon namin." Patuloy niya sa kanyang kwento. Gusto kong matawa sa pinagsasabi ng girlfriend or ex-girlfriend na niya na ngayon na sinasabi nitong pagod daw eh wala naman ginagawa 'yon tuwing nagpupunta dito, pati pasalubong wala, walang ka-effort effort unlike kay Yhanie pero pinigilan ko, and I manage to show a straight face habang nakikinig sa sinasabi niya. "And then, ano'ng ginawa mo?" tanong ko pa, just to continue our conversation about her pagod na ex-girlfriend. "Nilambing ko, sinuyo ko, naisip ko na maybe she's on her period pero lalong nagalit dahil napaka-inconsiderate ko daw sa feelings niya, tinanong ko siya kung bakit niya nasabi 'yon and then she tells me na ayaw daw niya pumunta doon sa halloween party, and then sabi ko no problem, hindi na kami pupunta, problem solved but it's not dahil kahit sinunod ko na ang gusto niya ay tuloy pa din daw ang hiwalayan namin, at hindi na daw magbabago ang isip niya kahit ano'ng pakiusap ko ay buo na daw ang desisyon niya. I even cry infront of her pero wala, halos ipagtabuyan na niya ko palabas ng bahay niya." Mahabang salaysay niya sabay umupo siya sa tabi ko, at hinawakan niya ang magkabila niyang ulo. Lalo ako'ng nakaramdam ng pagkagutom sa mahaba, at boring na kwento niya, at napailing na lamang habang natayo. "Kumain ka na ba?" "Hindi pa," walang lakas niyang sabi. "Okay, just wait here, lalabas lang ako saglit para bumili ng food, and maybe a couple of beers." Cancel na ang pag-order sa food app delivery, at nagpasya ako na lumabas na lamang para mas mabilis, at medyo nakaka-depress ang kwento ni Rylan. Tumango naman siya sa sinabi ko sabay dinampot niya ang kanyang cellphone na nasa ibabaw lang din ng kama. Tinalikuran ko na siya, at lumabas na ko ng kwarto niya. Nasa labas na ako, at nakasakay ako sa motorbike. Napansin, at nakita ko ang mga batang nakasuot ng pang-halloween costume na naglalakad sa gilid ng daan. Lakas din ng amats sa utak ng girlfriend ng utol ko eh, nakipag-break sa araw pa talaga ng halloween. Bumili na lamang ako ng litsong manok at anim na beer in can. Pagkadating ko sa bahay ay napakunot ang noo ko dahil naabutan ko si Rylan na paalis na, may nakasukbit na backpack sa likuran niya at maaliwalas na ang mukha niya. "Okay na kayo?" tanong ko dahil mukhang inlove na ulit ang itsura ng kapatid ko na kanina ay mugto pa ang mata. "Yup, and I need to go, pinapabalik niya ako, and pwedeng akin na lang 'to, pasalubong ko kay Melanie." Nakangiting sambit niya sabay kinuha niya sa kamay ko ang paper bag na may lamang pagkain, "May bag of chips ako sa room ko 'yun na lang ang kainin mo, geh alis na ko!" Paalam niya sabay nilagpasan ako at lumabas na. Hindi ako agad nakapag-react sa sinabi niya, napaawang na lamang ang bibig ko habang pinapanood siyang umalis hanggang sa sumara na ang pinto. Napakamot na lamang ako ng ulo, at naglakad patungo sa ref para ilagay sa loob ang mga beer na binili ko, kumuha lang ako ng isa bago ko isara ang pinto ng ref. What the fùck?! Ano'ng nangyari? Hindi lang toyo kung hindi may saltik din ata sa ulo si Melanie, at heto naman si Rylan ay nahawa na din ata sa girlfriend niyang psychotic, sa isip-isip ko lang habang nainom ako ng beer. Pumasok ako sa room niya para hanapin ang bag of chips na sinasabi niya. Tang-inang yan, hindi ko makita! Nasaan na 'yun? Hirap talaga kapag gutom, nagiging bulag na rin. Muli kong inikot ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto niya, at ngayon ko lang napansin na may TV na pala ngayon si Rylan dito sa loob, dati naman ay wala. Nagbagong buhay na ata talaga ako, sa tagal ng nilalagi ko sa kwarto ko habang busy sa pagwo-work ay hindi ko alam na naglagay na pala siya ng TV dito. Hinanap ko ang remote and then boom napangisi ako na para bang pumaldo ako sa scatter dahil sabay ko lang naman nakita ang remote ng TV at malaking lays na nakalagay sa ibabaw ng nightstand. Ipinatong ko ang beer sa nightstand at dinampot ang remote sabay umupo ako sa malambot niyang kama. Binuksan ko ang TV at nagsearch ako ng pwedeng mapanood hanggang sa namalayan ko na lang ang sarili ko na nagchi-chill dito sa loob ng kwarto ng kapatid ko. Ang sarap ng upo ko dito sa kama niya habang nanonood. Hindi man ako masyadong nabusog sa chips ay busog naman ang aking mga mata sa pinapanood kong Victoria's Secret Fashion Show na trending ngayon kaya nang lumabas ito sa search recommendation ay heto na pinanood ko. Ang daming magaganda, at sѐxy na mga babae, nakaka-miss tuloy magkaroon ng girlfriend, at ka-sѐx! Habang nanonood ako ay ewan bakit biglang pumasok sa isip ko si Yhanie, siguro kasi medyo matagal ko na rin siyang hindi nakikita. Simula kasi ng magka-girlfriend si Rylan ay madalang na ang pagpunta niya dito. Hindi nagtagal ay inantok na din ako kaya hindi ko na rin natapos ang pinapanood ko, at since hindi naman matutulog dito si Rylan ay nagpasya ako na dito na lamang ako matutulog. Hinubad ko na ang aking mga damit, at tanging boxer shorts lang ang aking itinira, pinatay ko na din ang lampshade sa gilid ng bed kaya totally nagdilim ang paligid. Umayos na ko ng higa at ipinikit ko na ang aking mga mata. Naalimpungatan ako nang biglang bumukas ang pinto, at naaninag ko ang anino ng isang babae or should I say a beautiful angel na tila nahulog mula sa langit na papalapit papunta sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD