Charlie's POV
Hindi naman ako makapaniwala sa timeline ng trabaho na pinapagawa sa akin nitong si Tope as in bukas na pala ang kasal ng kapatid niya.
"Nagbibiro ka ba? Paano ko naman maitatakas ang kuya mo kung wala ako'ng sapat na panahon para gawin yan. Para namang mission impossible ata 'yang gusto mong mangyari?" Ang sabi ko kay Tope dahil parang napaka imposible naman talaga ang gusto niyang mangyari,
"Don't worry about that. I will give you all the details you need, blueprint ng simbahan kung saan ikakasal si Kuya, armas, supply o kung ano man ang kailangan mo, yun nga lang ay kailangan na natin simulan ang pagpaplano ngayon dahil nga gahol na tayo sa oras." Ang pangungumbinsi pa niya.
Umiling-iling naman ako. Hindi ito ang plano ko. Wala sa plano ko ang lahat ng ito. Paano naman ako makakapagbakasyon niyan?!
"I don't know Tope, gabi na ngayon, at oras na lang ang bibilangin natin para maisagawa ang plano." Ang sagot ko sa kanya.
"Please, Ate." Ang pakiusap ni Tope, at mukhang nakakaawa ang kanyang mukha.
Napapahilamos na lamang ako ng aking mukha gamit ang isang palad ko, at ilang oras pa lang ang nakalipas simula ng dumating ako sa bayan na ito pero mukhang may yayariin na ko agad na trabaho, idagdag mo pa na wala pa kong sapat na tulog.
Limang milyon ang ibabayad malamang buwis buhay talaga ang trabahong gagawin.
Kapos man sa oras pero napapayag ako ni Tope. Gaya ng usapan ay ibinigay nga niya ang lahat ng detalye na kakailanganin ko kaya heto ako ngayon nasa may basement ng simbahan.
May suot ako'ng earpiece. Nakatuon ang atensyon ko sa mini tablet, at naghihintay ng magandang timing bago ko pindutin ang remote button na hawak ko.
Makikita sa screen ng tablet ko na mas naunang dumating si Tope sa simabahan, at pumuwesto na siya sa may altar.
Halos puno na ang mga upuan sa dami ng bisita. Napakagarbo din ng pagkaka-ayos, may red carpet, flower arrangement. Talagang hindi maipagkakaila na galing sa mayaman, at makapangyarihang angkan ang ikakasal ngayong araw which is hindi matutuloy because I'm going to steal the groom.
Nanatili ang atensyon ko sa screen, at hindi ako pwedeng malingat. Bawat segundo ay mahalaga. Tama nga si Tope ang dami ngang security, at ito na ang pinaka-safe na paraan na naisip ko. Hindi naman ako pwedeng dumaan sa may main door ng simbahan panigurado dѐad on the spot ang kakahuntangan ko.
Hanggang sa dumating na ang magiging misyon ko.
Christian James Balderama - after five years ngayon lang ulit siya nakita, at ang masasabi ko, walang pagbabago sa itsura niya.
Gwapo, matipuno pero napaka-presko, napaka-yabang pa din ng dating niya.
He is wearing a three-piece black suit, at seryoso ang kanyang pagmumukha habang papalapit kay Tope. May ibinigay kasi ako'ng maliit na camera kay Tope na ididikit lang niya sa may damit niya, at yun ang magiging mata, at tenga ko para malaman kung ano ba ang nangyayari sa itaas.
Basta isa lang naman ang kabilin-bilinan ko kay Tope, siguraduhin niya na dun sa puwestong nilagyan ko ng marka tatayo ang Kuya niya, dahil sa tapat na ilalim nu'n, kung saan ako naroroon ngayon ay may inilagay ako'ng maliit na pampasabog kung saan gagawa ng maliit na butas sa saktong tinatakapan niya oras na pindutin ko ang maliit na remote na hawak ko.
At base sa nakikita ko sa screen, at naririnig kong usapan nila ay nagawa naman ni Tope ang kabilin-bilinan ko.
Dumating na ang bride, at nagsimula na ang pagmamartsa ng mga ibang abay hanggang sa ang bride na ang naglalakad.
Gretchen Delariva, ang anak ni Don Gregorio Delariva, mahigpit na kalaban sa pulitika ni Don Carlos Balderama, ang ama nila Christian, at Tope.
Palaisipan pa rin sa akin hanggang ngayon kung bakit nagkaroon ng kasunduan sa dalawa gayong mortal na magkalaban ang dalawang pamilya noon. Hindi ko na nagawa pang itanong kay Tope ang dahilan, at buong magdamag kaming nagplano ng gagawin.
Tatlong oras pa nga lang ang tulog pero hindi bale kapag nakuha ko ang limang milyon ay kahit maghapon pa kong matulog ay walang problema pero sa ngayon kailangan ko muna gawin ang trabahong ito, at ilang minuto na lang ay pipindutin ko na ang remote.
Makikita sa screen ng tablet na hinawakan ni Christian James ang kamay ni Gretchen, at napakunot ang noo ko sa napanood ko.
Bakit kailangan ko pa siyang itakas eh sa nakita kong ginawa niya ay mukhang gusto rin naman atang niyang magpakasal?!
Ipinagpatuloy ko ang panonood hanggang sa nagsalita na ang pari.
"Kung sino man ang tumututol sa kasal na ito ay magsalita na o habangbuhay na lamang na panghawakan ang inyong katahimikan."
Nabalot naman ng katahimikan ang buong simbahan, at ni isang tao ay walang nagsalita.
Paano ba naman may tutulol eh sa dami ba naman ng security sa bawat sulok, at kitang-kita ang mga baril na nakasukbit sa mga katawan ng mga tauhan.
"Mabuti naman at walang tumututol." Ang sabi pa ng pari pero very wrong ka diyan father dahil pinindot ko na ang remote.
Nagkaroon ng mahinang paglindol, at nakatingin ako sa ceiling kung saan makikita na unti-unting 'yon nagkakaroon ng bitak hanggang sa tuluyang bumagsak ang bahagi ng sahig mula sa taas kasama si Christian James.
Mabilisan kong inilagay sa backpack ko ang tablet, at kailangan na namin makaalis ngayon, at need namin makalabas dito habang nagkakagulo pa sa may bandang itaas.
Rinig na rinig ko ang pagsigaw ng kanyang bride, at ang sakit sa tenga.
"Ano pang inuupo-upo mo diyan, tumayo ka na at umalis na tayo dito." Ang utos ko sa kanya, dahil hanggang ngayon ay nakasalampak pa din siya ng upo sa sahig, at nakatingala, sakto naman na may bumagsak pang mga buha-buhangin ng tumingin siya sa akin, nalagyan pa mukha niya kaya hinawi niya pa 'yon gamit ang palad niya, at muling at tsaka siya muling tumingin sa akin, at alam kong nakita na niya ko pero muli na naman siyang tumingala.
"Oh, my God. He's okay." Ang rinig kong sigaw mula sa itaas ng kanyang bride, at parang nakaramdam na ako ng inis, dahil nag-aksaya na kami ng dalawang minuto dito, dapat ay natakbo na kami ngayon pero nakaupo pa din siya hanggang ngayon.
"Ano tatayo ka ba diyan o iiwan kita dito." At pagkasabi ko nu'n ay tinalikuran ko na siya.
Bahala siya sa buhay niya. Gustong magpasaklolo pero napakakupad naman.
"Charlie, saan tayo dadaan napapalibutan nila ang buong simbahan?" Ang rinig kong sabi niya, nakasunod na pala siya sa likuran niya.
Tumayo na din sa wakas.
"Basta sumunod ka sa akin." Ang sagot ko sa kanya.
Hanggang sa tumigil ako, at pumasok ako sa isang silid kung saan parang isang mini library, inusog ko ang cabinet na puno ng libro dahil sa likod nu'n ay may sikretong pintuan kung saan may daan pababa sa isang secret tunnel.
Buti na lang ay naikwento sa akin ni Tatay ang tungkol dito nung nabubuhay pa siya. Dito lumaki ang tatay ko, at halos lahat ng detalye sa lugar ng San Vicente ay alam niya, at ng chineck ko ito kanina ito ay madadaan pa naman.
Nang mabuksan ko ang pintuan papuntang secret tunnel ay pinauna ko na siya pumasok, at pagkatapos ay inusog ko muli ang cabinet para muling lumapat sa dingding, at tsaka ko isinara ang pintuan pero ng pagharap ko ay nagulat ako sa nangyari.
Bigla lang naman inilapat ni Christian James, ang kanyang labi sa may labi ko, at agad ko siyang itinulak ng malakas.
"Tang-ina, ano'ng ginagawa mo?" At nilagpasan ko na siya, at nagsimula na ko ulit tumakbo.
Nasa proseso kami ng pagtakas kung ano-ano pang ginagawa niya. Although kampante naman ako'ng hindi kami mahihirapan dahil ni-ready ko na ito kanina.
Naglagay na ko ng disposable glow stick light para makita namin ang dadaanan sa makipot, madilim na lugar na ito.
"Nagpapasalamat lang ako." Ang rinig kong sagot niya mula sa likuran ko.
Gusto ko sana siyang sagutin na hindi niya kailangan magpasalamat dahil trabaho 'to, at babayaran naman ako dito pero nasa tapat na kami ng bakal na hagdan kung saan naman aakyat kami papunta sa itaas, at sinumulan ko na agad ang pag-akyat, at wala ako'ng oras para makipag-kwentuhan sa kanya hanggang sa nakarating na ko sa pinakatuktok at ini-angat ko ang bilog na balak para bumukas.
Napapikit ako ng bahagya gawa ng mula sa madilim ay biglang liwanang ang buong paligid, at bahagya ako'ng nasilaw sa araw, pero ayos lang. Ang mahalaga ay wala na kami sa simbahan, at saktong sakto dahil ang nilabasan namin ay b****a na ng kagubatan kung saan kami pupunta.
Wala namang tao sa paligid kaya saglit muna kaming tumigil. Inalis ko ang backpack ko mula sa aking likuran, at kumuha ng dalawang plastic bottle ng mineral water, at ibinato ko sa kanya ang isa, at halos sabay naming binuksan, at tinungga.
Pareho kaming pawisan gawa ng sobrang init ba naman sa tunnel. at pareho din namin naubos ang laman ng boteng may tubig.
"So, what's the plan?" Ang tanong niya na medyo hinihingal pa din.
"Bakit ba ang dami mong tanong sumunod ka na lang sa akin." Ang paangil kong sagot sa kanya dahil naiinis na ako, kanina pa siya tanong ng tanong manong sumunod na lang siya sa akin.
Nagawa ko na ng unang parte ng misyon. Ang maitakas siya sa simbahan, at ngayon naman ay ang nasa ikalawang bahagi na kami.
Kailangan namin makalabas sa bayan ng San Vicente ng ligtas, dahil sa mga oras na 'to lahat ng entry, at exit ay mga checkpoint maliban na lamang sa kagubatang ito.
Tinalikuran ko na siya, at sinimulan ko na ang paglalakad papasok sa kagubatan.