Pagsapit ng 5 pm nakabihis na ako ng off shoulder floral dress and wedch heels. Inilugay ko lang yung buhok ko kasi mas okay na to. Napaigad na lang ako ng may yumakap sakin at may humalik sa balikat ko. Hindi ko na kailangan na humarap kasi alam ko na siya yon dahil na din sa pabango niya. "Are you ready, loves?" Tanong nito. Humarap ako sakanya at ngumiti. "Yes. Let's go?" Tumango ito at hinawakan ako sa bewang bago kami lumabas at bumaba. Pagkarating namin sa labas, pinagbuksan niya ako ng pintuan. Sumakay na ako at pumunta siya sa kabilang banda. "Saan ba talaga tayo pupunta?" Tanong ko habang nakatingin sa bintana. "It's a secrets. Ilan beses mo ng natanong yan." Natatawang sabi niya. "I know but I want to know." "It's not a secret anymore pag sinabi ko sayo love." Sabi nito

