DALHIA Pagkagising ko wala si christian sa tabi ko, napagdesisyon ko na bumangon na at magbihis. Lumabas na ako saka bumaba, nadatnan ko siya na nakaupo sa sala, tumikhim ako para makuha ang atensyon niya at hindi naman ako nagkamali sa pagkuha non. "Tara na loves?" Anyaya nito. Tumango ako. "Let's go." Sabay na kaming lumabas, pinagbuksan niya ako ng pintuan. "Thank you." Nakangiting sabi ko. Kumindat lang ito saka pumunta sa driver seat. *** Nang makarating kami sa bahay, hindi muna ako bumaba ng sasakyan. Inalis ko muna yung seatbelt at humarap sakanya. "Loves, iyon na lang din ang itatawag ko sayo." Natatawang sabi ko. Ngumiti lang ito. Huminga muna ako ng malalim bago kinuha yung kamay niya. "Loves, habang wala ako nakikiusap ako na alagaan mo yung sarili mo, maliwanag ba?"

