Nakatingin lang ako sakanya habang siya nakahiga sa sofa. Ibinaba ko si Chally mula sa pagkakabuhat. Tumingin ako sa anak na ngayon ay nakatayo lang sa tabi ko. "Baby, punta ka muna sa room mo. Bubuhatin ko muna si mommy. Saan na dito yung room niya?" "Okay po dad, sa pinakadulo po." Sagot ni Chally bago ito naunang umakyat. Nilapitan ko si Gail. Tinitigan ko muna siya bago binuhat. "Pansin ko, bumigat ka." Bulong na sabi ko habang nagsisimulang umakyat sa baitang ng hagdan. "Hmm." Mahinang ungol nito. Pagkarating ko sa 2nd floor dumeretso ako sa pinakadulong kwarto na kulay pink din tulad nung mga nadadaanan kong pintuan. Napailing na lang ako dahil napakagirly ng taong mahal ko. Sobra yung galit sa pink. Binuksan ko na yung pintuan ng kwarto ni Gail saka siya hiniga sa kama. Hi

