"M-mama?" Hindi niya alam kung bakit niya iyon nasabi. Ni hindi pa nga ito nagpapakilala sakanya ngunit parang pakiramdam niya ay kilalang-kilala niya ang nga ito. Tinignan niya ang ginang na naluluha at tila gustong-gusto na siyang yakapin. She bit her lips. Bumilis ang pag t***k ng kanyang puso nang magsalita si Vexor mula sa kanyang likod. Nilingon niya ito. Nakangiti ito sakanya. "Amelia Yllanez and Diego Yllanez... They are your real parents babe." Her eyes clouded with tears. Muli niyang sinulyapan ang ginang na natutop ang bibig dahil sa pagpipigil ng iyak. Hindi niya na nakayanan. She ran towards the lady's direction tsaka ito yinakap ng mahigpit. Humagulgol siya ng iyak sa leeg nito. "Mama... M-mama!" Tila bata niyang iyak. Naramdaman niya ang paga-alo nito sakanyang likod.

