Halos mahulog ang kanyang panga nang makita si Vexor na mataman siyang tinitignan. Pakiramdam niya ay sasabog ang kanyang puso sa sobrang kaba. Narinig ba siya nito? Nakagat niya ang kanyang labi. Bakit ba kasi siya nagsasalita mag-isa?! Ilang araw niya na kasing iniiwasan si Vexor. Nao-awkward siya tuwing nakakaharap niya ito. He tried making a conversation with her pero sadyang ilap siya. Pero ano ang gagawin niya ngayon? "S-Sir..." "Nakakaalala ka na? Kailan pa?" Seryoso ang boses nito. Agad siyang umiwas ng tingin at pinulot ang kanyang kumot na lalabhan niya. Akmang lalagpasan niya ito nang isarado ito ng pabagsak ang pinto. Nagpantig ang kanyang tenga sa lakas ng tunog. Agad niyang binawi ang kanyang braso mula kay Vexor tsaka agad na lumayo rito. Narinig niya pa ang paglock nito

