Halos hindi makatulog si Adrianna dahil sobrang hindi siya kumportable sa lugar. Tumingin siya sa round clock at nakitang maga-alos tres na ng madaling araw. Bumuntong-hininga siya tsaka naupo sa kama. Magda-dalawang linggo na sila ditong nags-stay ni Vexor sa bahay ng kanyang mga magulang ngunit hindi parin siya sanay. Ni hindi rin siya umaalis ng kanyang kwarto dahil ayaw niyang makaharap ang kanyang mga magulang. Lumalabas lang siya ng kwarto pag wala roon ang mag asawa o kung tulog na ang mga ito. Binalingan niya si Vexor na tulog na tulog sa kanyang tabi. Nakatopless ito at bahagyang nakaawang ang mapupulang labi. Napangiti siya tsaka hinaplos-haplos ang buhok nitong medyo may kahabaan na. Bagsak kasi ito ngayon dahil hindi ito naka-wax paitaas. Pagod na pagod ang itsura nito. Lagi

