Bernadette's Pov: Manghang tiningnan ko ang repleksyon ko sa salamin. Parang hindi ako ang nakikita ko. Kumbaga hindi ko na makilala ang sarili ko matapos na pagtulungan akong ayusan nina Donna at Venice. Isang oras pa lang yata ang naiitulog ko nang bigla na lang nila akong gisingin at utusang maligo. Basta na din lang nila pinasuot sa akin ang lahat ng laman ng malaking kahon na hindi ko napansing nasa kama ni Venice. Iyon daw ang pinadala ng pamunuan ng Academy para sa akin at meron din silang kanila. Kaya heto, ginulo ng dalawang babae ang pagtulog ko. Kulang na din lang ay itali nila ako maayusan lang. "Aray." Reklamo ko nang hampasin ni Venice ang daliri ko. Hindi pa din kasi ako makapaniwala sa pagbabago ng itsura ko kaya sinusundot-sundot ko ang pisngi ko. "Tigilan mo nga kak

