CHAPTER 02: Colden Corpuz

1296 Words
Unhealthy Life Bago ako lumabas ng bahay ko ay tinignan ko uli ang reflection ko sa salamin. "You're so beautiful Seri, sexy too!" I took a pic. Umupo ako sa upuan sa sala at pinost yun sa insta. "Ready for my morning exercise. Don't for--" "Seri!! Look!" Hinihingal na lumabas si Acki. Pinakita niya ang isang video na kuha kahapon. Ako at yung assistant. Simula sa sinubukan kong pumasok hanggang sa TINULAK KO DAW SIYA NG MALAKAS PARA TUMILAPON. Nang nasa sahig na si miss assistant ay hanggang dun nalang. Nag scroll kami ni Acki para tignan ang mga comments about sa article na yun. Voila! I received both negative and positive comments. Who cares? Try ko rin kayang ipa report yung ginawa ng Red Company? Big catch yun. Buong bansa may pakialam. "Hayaan mo na. Kulang lang sila sa pansin. Nakuha mo na yung sinabi ko? Akin na dalii." Excite na excite ako samantalang si Acki ay umagang umaga naka busangot. Naka pajama pa at magulo ang buhok. "Maganda ba gising mo miss manager? Mukhang sabog tayo ngayon ah?" Pang aasar ko pa. Tinarayan niyako at hinampas saken ang brown envelope na may laman. "Ang gandang bungad Seri haha. Palibhasa hindi ikaw ang namomoblema kung pano maglinis." Umakma pa siyang babatukan ako at hindi rin tinuloy. Masama ang tingin na bumalik siya sa kwarto niya dito sa first floor. Pinsan ko siya at manager pa. Dito rin siya naka tira at wala siyang pakialam saken maliban nalang kung may issue nanaman o problema. Pinulot ko ang brown envelope at kinuha ang laman. Perfect! Na buhay ang excitement sa katawan ko. Info yun about dun sa lalaki. Colden Corpuz pala name niya. Omo ampangit. Hawig niya. Charot sinong niloloko mo Serizeth Paloma. Ayon dito ay 6am siya nag j-jogging. Napatingin ako sa relo ko. 6:06am palang kaya dali dali akong lumabas ng bahay at sumakay sa Mustang ko. Malayo layo rin ang villa niya kaya baka wala akong maabutan. Nang papasok palang ako sa gate ng subdivision eh nasa harap ko na ang isang kulay dark blue na Porsche. That car seems familiar. Where did I see it? Hmmm.... Hindi ko alam ang kung nasan ang bahay niya, bigla bigla nalang kase susugod ng walang plano. Hmm Tanga! Kinausap ako ni Manong guard kung sino daw ba bibisitahin ko. Napa atras ang dila ko. Sino nga ba? Hindi naman pwedeng sabihin na si Colden. "A friend po manong. Dito daw po kasi siya naka tira? Gusto niya pong sabay kami mag work out." Ngumiti ako ng matamis. Pinilit pa ni Manong na hingin ang name ng KAIBIGAN KO daw. Kaya sabi ko bawal kase artista ako oo mahangin ako kase kailangan. Ayaw parin talaga kaya binigay ko nalang ID ko sakanya sabi ko pag may nangyare na kung ano ano habang nasa loob ako eh may hawak hawak siya about saken. Pumayag naman. Nilibot ko ang buong subdivision. Walang Colden Corpuz na nag j-jogging. Ipinarada ko ang sasakyan ko sa gilid ng park. Well maintained ang mga nasa paligid. Alagang alaga ang buong subdivision. Umupo ako sa bench malapit sa puno ng malaki na mangga. May mga bunga na ng mangga. Pwede bang kumuha diyan? "Kapal naman ng mukha mo Seri, dayo ka na ngalang makiki kain kapa ng mangga." bulong ko. Tinignan ko ang sanga ng mangga sa taas ko. Maraming bunga ang puno kaya mas lalo akong natakam. Pwede bang kumuha Lord? Kahit isa lang? Hindi naman mangga ang pinunta ko dito eh. Wala ring Colden akong naabutan. Pero may mangga. May narinig akong nagwawalis kaya napalingon ako. Isang matandang babae. Pwede ko kaya siyang hingan? Dali dali akong lumapit sakanya at tinapik siya. Nang lumingon siya ay hindi na'ko nahiya pang magtanong. "Pwede po bang pumitas ng kahit isang mangga lang?" Mukhang nagulat pa siya ng makita ako. Tumango naman siya at lumapit sa bench na inupuan ko kanina at umakyat siya dun tas sinungkit ang pinaka malapit na mangga gamit ang hawakan ng walis na dala niya. Kukunin ko na sana pero hindi niya ibinigay yun. Nanungkit pa siya ng ilan pang mangga. Marami rami na ang nakuha niya nang ibalot niya yon sa diaryo at binigay saken. Nagpasalamat ako ng sobra at nilagay yun sa kotse ko. "Hindi kana nahiya. Yung matanda pa ang pina sungkit mo." Napatalon ako pagkatapos kong isara ang pinto ng kotse ko. Nilingon ko ang nagsalita. Bigla akong na excite sa nakita ko. Hi there darling Colden. "Colden, ikaw pala. Anong ginagawa mo dito?" Sinadya ko talagang landian ang tono ko. "Tsk." Yun lang ang sinabi niya at akmang aalis na pero siyempre hindi ako papayag. Sayang ang gas aba! "Hooy! Ang sungit naman." Hinabol ko siya at pinulupot ang braso ko sa siko niya. Pinilit niya pang alisin yun pero mas hinigpitan ko. Bahala siya malandi ako ngayon. "Serizeth right? Tanggalin mo nga ang sarili mo saken. Ayoko ng madumi." Napa hinto ako sa sinabi niya. Madumi? Ako? Hindi ko alam ang kung magagalit ba ako o masasaktan. Halos hindi ako makahinga ng maayos sa sinabi niya. Sanay naman na ako eh, pero bat pag galing sa kanya ang sakit? Unti unti kong kinalas ang sarili ko sakanya. Ang aga aga na nanakit. "Hey Colden! How are you?" May babaeng lumapit sakanya. Foreigner. Wow, eto ba yung sinasabi nilang tall, blond and gorgeous, but not as gorgeous as me? Siyempre, dala dala rin ng sariling upuan. Nag-uusap sila kaya may naisip akong plano. Gusto kong gumanti kaya yun ang ginawa ko. Lumapit ako sakanila at pinulupot ang kamay ko sa bewang niya. "Hi! I'm Seri, nice to meet you!" Diniinan ko talaga ang sarili ko kay Colden. Damdamin mo yang melon ko sige. Na statue version nanaman siya. Masarap ba Colden? "I'm--" Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita. Hinila ko sa batok si Colden at dali daling hinalikan. "I'm sorry. I need to go. May sched pa ako eh. Nice meeting you. By the way, Colden, you ran out of condoms. Make sure you buy it again, OK? I enjoyed it last night. It's pretty big." Dinakma ko agad ang sandata niya at rumampa paalis. I'm sure na blanko nanaman siya. You deserve it. Tinawag mo pa akong madumi. Anong feeling na nahawakan ka ng taong madumi? Nag drive agad ako paalis. Kinuha ko na rin kay manong guard ang ID ko at dumaan muna sa Drive Thru para sa breakfast ko. You're a piece of s**t Colden. Karmahin ka sana. Nang maka pasok ako ng bahay nakita ko agad si Acki na papuntang kusina kaya sumabay narin ako. "San mo binili yan?" Tinuro niya ang Mangga. "It's free. Nagpa sungkit ako from Colden's subdivision." Napa nga nga si Acki. "Wala ka talagang hiya. Bagay na bagay sa pagiging artista mo." Sabi niya pa. "Acki, I dakma his sword in public habang may kausap siya. Be proud of me my dear friend." Tuluyan na siyang nawalan ng gana. Ang kaninang spoon and fork na hawak niya ay nahulog na. Huminga siya ng malalim at tumayo. Umalis siya at nagulat ako ng may gunting na siyang dala pagbalik. The heck?! "SERI! ZETH! PALOMAAAA!!!" Napa tili ako ng sobra. Palibot libot kami sa dining table dahil sakanya. "Inaasar ka lang Ackira Dos Seleste! Kumalma ka ibaba mo yan! AAAAAHHH!!!" Mas lalo niya pang binilisan ang takbo niya. "KAKALBUHIN KITANG BTCH KA!!! HINDI KANA NADALA!!!" Panay ako tili pag kaunti nalang eh mahahablot niya na ako. Ilang oras na kaming patakbo takbo sa bahay. Kung san san na kami naka rating. Ni isa sa amin ay ayaw magpa talo. Awayin niyo na ang lahat wag lang ang manager na may anger management issue. "Inaasar lang talaga kita darling. Stop!! Oh my Gooooddd!!!" What an unhealthy life!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD