CHAPTER ONE

1671 Words
Nagmamadali si Erica na makalayo ng Maynila. Ngayon ang araw ng kanyang kasal, ang araw na pinakakinatatakutan niyang mangyari. Sa simbahan, naghihintay na ang mga bisita, ang pamilya ng lalaking ipapakasal sa kanya, at ang groom na hindi niya kailanman minahal. Pero sa puso ni Erica, malinaw ang desisyon niya—hindi siya sisipot. Ito na ang pagkakataon niya para tuluyang makatakas. Sa nanginginig na mga kamay, isinuksok niya ang maliit na bag sa passenger seat. Mga importanteng gamit lamang ang kanyang dinala. Sinindihan ang makina, at humarurot palayo sa lungsod na matagal na niyang gustong iwan. Hindi niya alam kung saan siya pupunta, ang tanging alam niya ay kailangan niyang lumayo. Napatingin siya sa kanyang cellphone na nasa kanyang tabi kinuha niya iyon at mabilis na itinapon. Alam niya kasi na hindi siya titigilan ng kanyang mga magulang at ng kanyang magiging asawa na kontakin at baka ma-detect pa siya kung nasaan. Pwede naman siyang bumili ng cellphone. Isa pa, napaghandaan niya na ang kanyang paglalayas, ang lahat ng savings niya sa bangko ay kinuha niya ng hindi nalalaman ang kanyang mga magulang. May ilang alahas din siya na dala para kung sakali pwede siyang magsimula ng bagong buhay. Habang tinatahak niya ang madilim at basang kalsada, patuloy na bumabalik sa isip niya ang mga eksenang parang bangungot, ang mga sigaw ng kanyang ina, ang malamig na boses ng kanyang ama na nagsasabing, “Para ito sa ikabubuti mo, Erica. You have no choice.” Ngunit may choice siya ngayon, ang tumakbo, kahit saan, kahit kanino. Minsan na niyang sinubukang tumakas noon, ngunit palagi siyang nabibigo. Parang bilanggo sa sariling tahanan. This time, she swore she would never go back. Sa gitna ng pag-ulan, tumutulo man ang luha at ulan sa kanyang pisngi, ramdam niyang ito ang unang pagkakataong muli siyang huminga ng malaya. For the first time, she wasn’t the obedient daughter... She was just a woman running for her freedom. Kahit pumapatak ang luha niya sa pisngi at kahit pa malakas ang t***k ng kanyang puso dahil sa takot at kaba ay masaya siya... Sa pagkakataong ito ay nakatakas na siya sa kanyang mga magulang, malaya na siyang magagawa ang lahat ng kanyang gusto. Ang dinadaanan niya ay mga puno na naglalakihang puno, alam niyang nasa probinsya na siya ng mga oras na iyon. Padilim nang padilim ang kanyang dinaraanan pero hindi pa rin siya tumitigil sa pagmamaneho hindi alam ang paroroonan ng biglang hindi na lang umandar ang kanyang sasakyan. “s**t! Bakit ngayon ka pa hindi nakisama?” inis na sigaw ni Erica halos mapunit na ang boses habang paulit-ulit na ini-start ang makina. Ngunit sa bawat ikot ng susi, tanging tunog lang ng malamig na hangin at pagtulo ng ulan ang narinig niya. Wala na, tuluyang tumigil ang kotse niya. “Damn it!” bulong niya habang mariing sinuntok ang manibela. Naramdaman niyang nanginginig ang mga kamay niya, hindi lang dahil sa ginaw kundi dahil sa kaba. Tumingin siya sa paligid, puro puno, dilim, at makapal na ulap ng ulan. Walang bahay, walang ilaw, walang taong daraan sa ganitong oras ng gabi. Sinimulan siyang kabahan. Pinilit niyang kalmahin ang sarili. “Okay, Erica, think. You can’t stay here.” Huminga siya ng malalim. Hindi pwedeng manatili siya sa sasakyan. Kinuha ang flashlight mula sa glove compartment, at binuksan ang payong. Ngunit sa sandaling lumabas siya ng sasakyan, mas malakas na ulan ang sumalubong sa kanya, tila sinasabing wala siyang takas. Ang kanyang payong ay hindi sapat kaya nabasa pa rin siya lalo na at malakas ang hangin. Parang gusto niyo na namang umiyak ng mga oras na iyon pero pilit niyang pinatatag ang sarili, walang mangyayari kung iiyak na lamang siya ng iiyak. Hindi na siya pwedeng bumalik sa kanila kaya dapat lang na panindigan niya ang kanyang paglalayas. Sa bawat yapak niya sa putikan, naririnig niya ang pagkaluskos ng mga dahon mula sa hindi kalayuan. Lumingon siya wala naman tao. Pero kakaibang lamig ang gumapang sa kanyang batok. Natatakot na siya. Paano kung may aswang? Kinilabutan siya sa naisip. “May tao ba riyan?” mahinang tanong niya, halos pabulong, umaasang walang sasagot. Ang mga hakbang niya ay lalong bumibilis. Ang tanging dala niya lamang ay ang backpack niya. Pagkatapos ng ni-lock ang kotse ay nagmamadali na siyang nilisan iyon. Ngunit ilang hakbang pa, napansin niyang may mahina at kumikislap na ilaw sa malayo. Parang mula sa loob ng isang bahay. Napatigil siya. “Finally…” mahina niyang sabi, sabay hakbang papunta roon. Yun lang tanging bahay na nakita niya. Kailangan niya munang magpalipas ng gabi hanggang sa magawa ang kanyang sasakyan. Habang papalapit, lalong bumibilis ang t***k ng kanyang puso, hindi niya alam kung dahil sa pag-asa o sa takot. Hanggang sa huminto siya sa harap ng isang lumang bahay na tila matagal nang nakatayo sa gitna ng kagubatan. May ilaw nga sa loob pero walang ingay, walang galaw. Kahit kinakabahan ay dahan-dahan niyang itinapat ang kamay sa pintuan at kumatok. Kinakabahan siya na baka totoo ang mga nababasa niya sa social media na maraming aswang sa probinsya lalo na at tanging nag-iisang bahay lamang ito sa gitna ng masukal na daan. Walang sumagot. Pero bago pa siya makalayo, biglang bumukas ang pinto at isang matangkad na lalaking basa rin sa ulan ang lumitaw sa kanyang harapan.. Tahimik ito, matalim ang tingin, at ang boses ay mababa at malamig. Sapat na ang liwanag mula sa flashlight ni Erica para masilip ang mukha ng lalaking nasa harapan niya. Saglit siyang napatigil, napalunok, at halos makalimutan kung bakit siya nandoon. Matangkad ito, mga 6’2” siguro, ayon sa tantiya niya. Matipuno ang pangangatawan, halatang sanay sa mabibigat na gawain. Sa ilalim ng ulan, kumikintab ang bawat patak ng tubig na dumadaloy mula sa buhok nito hanggang sa matulis na panga. Matangos ang ilong, makapal ngunit maayos ang kilay, at may mga matang malamig at matalim na para bang kaya siyang basahin nang buo. Ang labi nito ay bahagyang nakatikom, seryoso ang ekspresyon, walang bakas ng ngiti, walang emosyon, tila isang lalaking bihirang magsalita. May kung anong bigat sa presensya niya, isang tahimik na awtoridad na hindi na kailangan ipagsigawan. Biglang nawala ang takot ni Erica. Napalitan iyon ng kakaibang pagkailang, hindi dahil sa panganib, kundi sa paraan ng pagtitig nito sa kanya. Diyos ko… anong ginagawa ng ganitong lalaki sa gitna ng kagubatan? bulong niya sa isip. Hindi kaya... engkanto ito? Hindi niya mapigilang mapako ang tingin dito. Sa ilalim ng ulan, sa liwanag ng kanyang flashlight, parang hindi totoo ang nakikita niya, isang lalaking napakagwapo, ngunit may matang tila may dalang misteryo at sakit. Nang magsalita ito, mababa at malamig ang boses, tila dumadagundong sa katahimikan ng gabi. “Hindi ligtas dito,” mahinahon ngunit matigas nitong sabi, habang hindi inaalis ang tingin sa kanya. “Anong ginagawa mo rito, Miss?” At doon, muling bumilis ang t***k ng puso ni Erica, hindi na dahil sa takot, kundi sa kakaibang kaba na ngayon lang niya naramdaman. “Tao ka naman siguro… hindi ba?” maingat ngunit may halong kaba ang tanong ni Erica, habang pilit na pinapakalma ang sarili. Bahagya siyang napaatras nang makita niyang nagsalubong ang makapal na kilay ng lalaki, halatang hindi natuwa sa tanong niya. Malamig ang mga mata nito nang tumingin sa kanya, at sa sandaling iyon, para siyang tinusok ng titig na iyon, tahimik, ngunit puno ng tanong. “Bakit mo naman naisip na hindi ako tao?” malamig na balik nito, mababa ang boses at may bahid ng inis. Napakapit si Erica sa hawak na flashlight, saka bahagyang ngumiti, pilit na binabawi ang kabastusan ng tanong. “Wala lang kasi, nakakapagtaka lang talaga. Ano bang ginagawa mo rito sa gitna ng gubat? Dito ka ba nakatira?” Sandaling natahimik ang lalaki. Bumagsak ang ilang patak ng ulan mula sa buhok nito, at dahan-dahan niyang itinuwid ang pagkakatayo, halos mas malaki pa ang anino niya kaysa sa pintuang binubuksan niya. “Bakit, bawal ba?” malamig nitong sagot, ngunit hindi nakatakas kay Erica ang bahagyang kurba ng labi nito hindi man ngiti, pero parang may tinatagong biro o hamon. Umiling siya, bahagyang natawa sa sarili. “Hindi naman… curious lang ako. Kasi sino ba namang matinong tao ang titira sa ganitong lugar?” “Hindi ba ako dapat ang magtanong sa’yo,” seryosong sabi ng lalaki habang nakatingin ng diretso kay Erica, “kung ano ang ginagawa mo rito sa ganitong oras? Nasa gitna ka ng gubat, at kumakatok ka sa pinto ko.” Napakagat-labi si Erica, bahagyang nailang sa lalim ng boses nito. “Nasiraan kasi ako ng sasakyan,” paliwanag niya, halos pabulong. “Wala akong choice kundi lumabas at maghanap ng masisilungan... kahit pansamantala lang.” Bahagyang kumunot ang noo ng lalaki, pinasadahan siya ng tingin mula ulo hanggang paa basang-basa, nanginginig, at halatang pagod. “So… what you’re trying to say,” mabagal ngunit malinaw ang tono nito, “is that you’re planning to stay here for the night?” tanong sa kanya ng lalaki na ikinagulat niya lalo na sa paraan ng pagsasalita nito. Ang pagsalita nito ng english ay dire-diretso at mukhang sanay sa pakikipag-usap. Lalo pong naging gwapo ito sa paningin niya ng gabing iyon. Tumango si Erika, halos nahihiya sa sarili. “Kung maaari sana…wala na kasi akong ibang mapupuntahan. Isa pa, I’m not familiar with this place. I just need somewhere to stay until morning.” Ilang segundo siyang tinitigan ng lalaki, tahimik, parang may iniisip. Naririnig ni Erika ang mahinang lagaslas ng ulan sa paligid, at bawat sandaling lumilipas ay parang mas bumibigat ang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa sa wakas, bahagyang bumuntong-hininga ang lalaki at tumagilid ng bahagya para buksan nang mas maluwang ang pinto. “Fine,” anito sa mababang tinig. “Pero huwag kang magtitiwala agad sa kahit sino. Especially to someone you just met in the middle of the woods.” Napalunok si Erica, saka dahan-dahang pumasok. “Don’t worry,” mahina niyang sagot, “hindi rin ako madaling magtiwala.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD