Tahimik ang buong biyahe papuntang Maynila. Hindi nagsalita si Erica. Nakatingin lang siya sa bintana habang iniisip ang mga salitang binitawan ni Casimiro kanina — “Babalik tayo sa Maynila.” Wala silang dalang gamit. Isang maliit na bag lang ang hawak niya. Hindi niya alam kung babalik pa ba sila sa probinsya o tuluyan na talaga siyang iiwan ang nakaraan. Pagdating nila sa bahay, napahinto siya. Malaki ang bahay ng lalaki. Hindi niya iyon inaasahan..Tahimik. Walang tao. Walang katulong. Walang ibang kasama. Silang dalawa lang. Binuksan ni Casimiro ang ilaw at humarap sa kanya. “Simula sa araw na ito, dito ka na titira,” diretso nitong sabi. “This is your home now. Dito na tayo bubuo ng pamilya.” Napatitig si Erica sa lalaki. Hindi siya nakangiti. Hindi rin galit. Pero may bigat sa di

