Pagkatapos ng gabing iyon ay naging mabait na sa kanya si Casimiro sa kanya. Bagamat mailap at hindi kumikibo malaki pa rin ang ipinabago niya kaya naman masaya si Erica. Sobrang saya. Ngayon lang siya nakaramdam ng kalayaan. Nasanay siya sa matahimik na buhay basta kasama ang lalaki. Habang pinagmamasdan niya si Casimiro na nag-aayos ng panggatong sa likod ng bahay, hindi niya napigilang huminto sa ginagawa. Paulit-ulit ang galaw nito, kuha, ayos, tapos hiwa. Walang salita. Walang reklamo sa hirap ng buhay sa gubat. Mukha nga itong sanay na sanay sa ginagawa.. Napansin ni Erica na ganito na palagi si Casimiro. Kapag may kailangang gawin, ginagawa niya. Hindi niya kailangan sabihan. Hindi rin niya kailangang purihin. Hindi nga ito maperme sa bahay o di kaya maupo. Siguro doon siya hum

