CHAPTER 1 - JOSH CEDRIC MADRIGAL

1552 Words
Josh, The best things in life are better with you. Hyacinth   Excited na ako sa pagpasok ngayon. Grade 7 na ako. Unang araw ko sa eskwelahan kung saan pumapasok si Josh. Matanda siya sa akin ng isang taon, kaya nauna siya sa akin ng isang taon sa eskwelahan na iyon. Super inip kaya ako last year! Kung pwede lang hatakin ko ang panahon para mag-graduation na. Para makasama ko na si Josh sa bagong eskwelahan niya. At magiging eskwelahan na ‘naming dalawa’ umpisa ngayong araw na ito. "May masakit ba sa’yo, Hyacinth? Hindi mo ginagalaw ang pagkain mo," narinig kong tanong ni Mommy. Napailing ako. Nakita kong nakatingin sa akin si Daddy. Oooppsss! Hindi ako dapat mahalata ni Daddy. "First day jitters lang, 'My. Alam mo na… Medyo nag-aalala lang ako. Bagong environment. Bagong kakilala..." sagot ko, sabay pilit kong ngumiti nang tipid. Konting ngiti lang, Hyacinth Blaire... huwag ka magpahalatang excited ka.... Nakatingin pa rin sa akin si Daddy, habang hawak ang malaking mug ng kape nila ni Mommy. Lagi kasi silang share sa kape. Maliit pa lang ako ay nakasanayan ko na ang sweetness nilang ito. Nagsi-share sila sa kapeng tinitimpla ni Mommy sa isang malaking mug. "Are you sure diyan mo gustong pumasok sa school na ‘yan? Andun sa St. Dominique ang mga kaibigan mo," tila nagsusupetsang tanong ni Daddy. "Yes, Dad. Kilala ang St. Andrews sa mga achievements nito sa mga inter-school competitions," pilit kong pinapaseryoso ang mukha ko, para walang mahalata sa akin si Daddy. Siyempre, dapat business-like ang itsura. Para magmukhang ‘I mean business’ ang dating ko kay Dad. Sa kanya ko kaya natutunan ‘yun! "Okay. Just tell me anytime if you want to transfer to other school. Ako na ang bahala," sabi ni Daddy na inalis na ang pagkakatingin sa akin, sabay buklat ng dyaryo na hawak niya. "Thanks, Dad." Char! Nasa St. Andrews kaya ang inspirasyon ko. Ipinagpatuloy ko na ang pagkain ko, kahit napipilitan lang ako. Excited akong makita si Josh. Mali. Excited akong makita ni Josh na doon din ako mag-aaral. Hindi pa kasi niya alam na doon din ako mag-aaral. Huling beses kaming magka-usap ang sabi ko sa kanya, hindi pa ako makapag-decide kung saan. Tapos, nagbakasyon na silang mag-anak sa US, kaya hindi na kami masyadong nagkakuwentuhan. Masyadong magka-iba ang oras namin. Minsan lang kaming nakapag-usap. Nung unang araw nila doon, at nag-aadjust pa ang katawan niya sa oras ng pagtulog. Well, gusto ko naman ‘yun, kasi masosorpresa ko siya ngayon. Two days ago pa sila dumating pero hindi pa kami nagka-usap. Tumawag siya dito sa bahay nung unang araw nilang dumating, pero nasa mall kami nila Mommy para mamili ng school supplies ko. Kinabukasan, idinaan lang nila iyung pasalubong nila para sa akin, kasi nagmamadali sila dahil may corporate event sa isang branch ng car dealer nila. Kaya ngayong araw na ito, paniguradong umaatikabong kwentuhan ang mangyayari sa amin. "Are you finished eating Hyacinth? Isasabay na kita," putol ni Daddy sa mga iniisip ko. "Okay, Dad. Sabay na po ako," sabi ko. "Bakit kasi hindi ka na lang magpa-service sa school bus?" tanong ni Daddy. "Ahhh... kasi Dad... makikibalita pa po ako sa school kung aling school bus ang okay ang serbisyo," sagot ko, sabay ngiti ko dito ng pagkatamis-tamis. Ang gusto ko kasi isabay na lang ako ni Josh sa sasakyan nila. Iyun sana ang isasagot ko, kaso baka ngayon pa lang ilipat na ako ng school ni Daddy. "Let's go, Honey!" sabi ni Daddy, sabay tayo mula sa mesa. Agad kong inubos ‘yung hot chocolate na tinimpla ni Mommy. Hindi naman sa ayokong ma-late sa school. Excited na kasi talaga akong makita ako ni Josh sa bago kong school uniform. Agad akong sumunod dito. "Baby, paano si Ace?" tanong nito kay Mommy nang masalubong niya ito. "Ako nang bahala kay Ace. Ako na ang maghahatid sa kanya," nakangiting sagot ni Mommy. "Sure ka, baby? Baka mapagod ka--" "Adam.... alam mo namang ayaw ko nang walang ginagawa..." Huminga nang malalim si Dad. Hinawakan nito ang bewang ni Mommy, at saka hinapit ito palapit sa kanya. "Alam mo namang ayaw kitang napapagod, baby..." malambing na sabi ni Daddy, at saka inilapit ang mukha niya sa mukha ni Mommy. Bahagya namang itinukod ni Mommy ang mga kamay niya sa dibdib ni Daddy, at saka nakangiting inginuso ako. "Ehrm!" Napalingon sa akin si Daddy, habang bahagya namang tumawa si Mommy. Nakita kong pinaikot ni Daddy ang mga mata niya. "Bakit ba lumaki pa sila? Buti pa nung mga baby pa sila, walang umiistorbo sa atin..." Napangiti ako. Nakakainggit ang pinapakita nilang ka-sweet-an sa isa't isa. Actually, si Daddy ang clingy sa kanilang dalawa. Gusto niya laging nakadikit kay Mommy. "Tara na, Dad... mamaya n’yo na ituloy ‘yan. Male-late ako sa school," biro ko sa kanila, sabay lapit ko kay Mommy at saka humalik sa pisngi nito. "Bye, Ma." “Bye, honey. Text or call me agad if anything happens,” paalala pa nito sa akin. PALINGA-LINGA ako habang dahan-dahang naglalakad sa hallway. Maaga pa naman para sa unang klase ko. Saan ko kaya makikita si Josh dito? May kalakihan pala itong St. Andrews kaysa sa inaasahan ko. Medyo nakaramdam ako ng pagkailang sa mga nadadaanang magkaka-grupong mga estudyante. Nagkamali ba ako ng desisyon na humiwalay ng eskwelahan sa mga kaibigan ko para lang mapalapit kay Josh? Bahala na. Siguro naman magkakaroon din naman ako ng mga bagong kaibigan dito. Minabuti kong hanapin na muna ang kuwarto ko. Siguro naman makikita at makikita ko pa rin naman si Josh dito. Nasa third floor ang kuwarto ko, at marami na ring estudyante ang paakyat doon. Sumabay na ako sa agos ng mga estydyanteng umaakyat sa hagdan. Madali ko namang nakita ang room ko dahil nasa bungad lang ito pagka-akyat mo ng hagdan. "Hi! Bakante pa ba itong upuan na ito?" tanong ko sa isang babae na nakaupo na roon. Naka-braid magkabila ang buhok niya. Bilugan ang mata. Katamtamang laki ng ilong. Hindi katangusan. "Oo. Wala pang nakaupo dyan. Wala yatang gustong tumabi sa akin," sagot nito, at saka bahagyang natawa. Nakangiti akong naupo. "I'm Hyacinth..." pakilala ko, sabay extend ko ng kamay ko sa kanya. "Athena," nakangiti ring sabi nito, at saka nakipag-kamay sa akin. May sasabihin pa sana ito nang dumating na ang teacher namin. PUNONG-PUNO ang cafeteria. Maingay at halos hindi magkarinigan sa tunog ng mga kubyertos, at ng mga malalakas na kuwentuhan at tawanan. Iyong mga estudyanteng nagkaka-ingay marahil ay mga old students na kaya palakasan sa pagbibida ng mga naging bakasyon nila. Inilibot ko ang tingin ko sa buong cafeteria. Nakapila kaming dalawa ni Athena para kumuha ng makakain namin. Actually, may baon akong sandwich, pero may nakita akong Baked Macaroni sa counter, kaya nakipila na rin ako. Ewan ko ba! I can't resist to eat Baked Mac kapag may nakita ako. Dala na namin ni Athena ang mga tray namin. Inilibot namin ng tanaw ang cafeteria para maghanap ng mapupuwestuhan namin nang may tumawag sa akin. "Hyacinth!" Nang lingunin ko kung sino ang tumawag sa pangalan ko ay nakita ko ang nakangiting si Jett. Nakaupo ito sa isang mesa kung saan may kasama siyang dalawa pang lalaki na pawang kasing-edad niya. Napangiti ako. Hindi dahil sa nakakita ako ng kakilala, or dahil si Jett ang nakita ko. Napangiti ako knowing that one step closer na lang ako kay Josh. "Jett!" Nilapitan kami ni Jett. "Dito ka na rin pala? Alam na ba ni Josh?" magkasunod na tanong nito. "Mmm... nope! Hindi ko yata nabanggit sa kanya last time na magka-usap kami," nakangiti kong sagot. Gusto ko sanang tanungin si Jett kung nasaan si Josh pero pinigilan ko ang sarili ko. Konting control, Hyacinth Blaire... right timing dapat... “Paniguradong matutuwa iyung baliw na ‘yun,” sagot sa akin ni Jett. "Wala ba kayong maupuan?” tanong ni Jett na napatingin sa dala kong tray, at sa likuran ko kung saan nakatayo si Athena. “Tara! Dun muna kayo sa mesa namin. Maluwag pa naman," sabi nito at saka kinuha mula sa akin ang tray na hawak ko. "Tara, Athena," pagyaya ko dito. Sumunod kami kay Jett sa mesang inookupa niya at ng mga kasama niya. Pagkalapag ni Jett sa tray ko ay pinakilala niya kami sa mga nakaupo doon. "Guys... this is Hyacinth. A family friend. Actually, almost a sister to me. Grade 7. And this is..." sabay tingin at turo niya kay Athena. "Athena. Ngayon lang din kami nagkakilala ni Hyacinth. We're classmates," anunsiyo nito. "Ah okay. Nice meeting you, Athena. By the way, this is Edward..." sabay turo niya dun sa seryoso na may mapungay na mata saka makapal na kilay. “Saka si Peyton..." sabay nguso niya dun sa isa na wavy na buhok, at may natural red lips. Kumaway lang ‘yung dalawa, pero ang kaibahan, iyong kaway ni Peyton ay may kasamang ngiti. In fairness, cute si Peyton. Hindi ko napigilang hindi mapangiti kay Peyton. "Here. Dito ka na maupo..." sabi sa akin ni Peyton, sabay alis niya ng mga gamit niya sa upuan. Humakbang na ako para makapasok dun sa pagitan ng bench at mesa nang may magsalita sa likod ko. "Sa akin siya tatabi." Agad na tumalon-talon ang puso ko. Kilalang-kilala niya ang boses nung nagsalita. Napalingon kaming lahat sa likod. Josh.... ***
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD