Chapter Two

1389 Words
"Hoy!" tawag ko rito habang inaalog. "Nanunuod ka pa ba o natutulog ka lang?" tanong ko rito, siningkitan lang ako nito ng mata at halata pang inaantok. "Tapos na ba?" tanong nito na mukhang lutang parin dahil sa kagigising lang nito. Nakatulala lang ito at halatang wala pa sa wisyo. "Hindi pa pero malapit na, nag chat si prof sa gc umuwi nalang daw tayo may biglaan daw silang meeting." tumango lang ito "Kaya umayos ka na d'yan, pagkatapos mong kumain natulog ka naman ano ka ba sawa?" hindi ito umimik at wala sa sariling nakatitig lang sa pinanunuod namin. Hay nako venice, kahit kelan talaga itong babaeng 'to. Maaga pala akong makakauwi sa apartment ay hindi uuwi nalang muna ako sa'min.Iiwan ko nalang muna itong sa venice o pwede rin naman s'yang sumama.Muli ko itong sinulyapan at natulog na naman. totoo venice sana umuwi nalang tayo? Umayos lang ako ng pagkakaupo at nanuod ulit. "Diretso na muna tayo sa mcdo o drivethru gusto ko ng iced coffee baka antukin ako sa klase." Wala pa ring buhay n'yang pagkakasabi marahil ay inaantok pa rin ito. "Sira, wala nga raw prof na'tin ngayon may meeting nga sila. Uuwi na muna ako sa'min. Ikaw ano balak mo?" tanong ko dito. "Eh? Bukas nalang tayo ng uwian mag sabay?" tumango lang ako. "Bakit mo naisipan namang umuwi sa inyo aber?" bakit nga ba? "Ewan ko, parang feel ko lang umuwi sa bahay since 2 weeks before first day classes ko lang sila huling nakita ano." "Namiss mo na ba pagbubunganga ng parents mo?" natatawa nitong tanong. "Baliw, hindi naman sa ganun feel ko lang na umuwi ngayon. Hindi ko kase sure if papasok pa ba ako bukas eh pasahan lang naman ng activities tapos naman na tayo ,wala ring ganap clubs ko bukas." Ngumuso ito "Sabagay, eh basta mag a-advance study nalang muna ako. Dumadalaw naman kase parents ko sa aparment na'tin,bakit ba ayaw mo sabihin kung saan ka nag iistay?" "Para saan? Ayukong nacocontrol uli nila ako sa gagawin ko, okay ng alam nilang okay lang ako.Ginagawa naman kase kase akong bata nina mama." "Minsan na nga lang kayo nagkakausap tapos nagtatalo pa kayo." Tinapunan ko ito lang ng tingin as if bago pa sa'kin yun. Saka ngayong college lang ako nagkaron ng freedom. Sobrang dami kong namiss na bagay na dapat maranasan. Don't get me wrong na ginagawa ko lang excuse to para gawin ang mga gusto ko. Sadyang pati pag punta sa mga group paroject ay hindi ko magawa. Lalabas lang ako pauuwiin na ako nakakawalang gana sana hindi nalang ako lumabas. Sobrang daming bagay kaming dapat na sumusunod lang sa mga gusto at standards nila maituting lang na anak nila. Kaya heto buti naka alis din. "Sanayan lang,alam mo naman yung parents ko para namang sobrang hirap tanggapin na magkaron ng sariling decision. I'm not a kid anymore big girl na ako, para dumepende o umagree sa gusto nila para sa'kin." "Oo nga, tapos 'pag sa kanila ka nakinig sasabihin na naman ng daddy mo matuto ka namang gumawa ng sariling decision" panggaya nito ng boses na dahilan ng ikinatawa ko habang papalabas na kami ng mall. "Tapos yung mommy mo naman sasabihin nun lagi nalang ikaw nasusunod,lagi mo nalang iniisip sarili mo." natawa ako lalo. "Ano ka ba 'di ka pa ba sanay? Immune na ako hindi ko nga alam kung saan pa ako lulugar." tuluyan na kaming nakalabas ng mall. "Edi fairview hahaha," natatawa nitong suhestyon. "Gaga,hahaha. Sumakay ka na nga hatid muna kita." Pumasok na ako sa loob at nagseatbelt muna bago ipinaandar ang kotse ko. "Natural,alangan uuwi ka nang nakauniform sa inyo." "Pwede naman kaso mas okay na munang maglaba ako parang wala na akong maisuot eh." tugon ko. "Hello Washing machine kamo, parang hirap na hirap ka naman maglaba" napatakip nalang ako ng bibig ko at nagpipigil ng tawa "Ano baliw ka na?" dagdag pa nito. "Ikaw rin naman, tamang asa sa washing." sus kunware pa eh alam naman na mas madali yun lalo na pagkapos sa oras.Less hassle pag automatic eh lalo na tambakan pa minsan 'di ko na alam kung ano u unahin magpanic o gumawa hahaha. "Eh,wala naman tayong choice. Sayang oras at pera if ever magpapa laundry every week,gastos puta!" namura pa nga. "Nanghihinayang ka pang laundry? pero every week inaantay mo parcel mo from shopee or lazada yuck!" hinampas lang ako nito "Aray!" "Naiistress ako e nagiging libangan ko bumili ng abubot,hahaha. Sobrang implusive buyer ko pa,Aaaargh!" ginugulo nito ang buhok n'ya, una ko talagang gagamutin 'to. "Naiistress ka pala n'yan? Ayaw mo tigilan." "Eh? Hindi na ako mago-order this weeks from online, lilibre kita pag-" "May to receive ka nga ngayon?" nagulat naman ito."sus nakita ko kanina nag notif sa phone mo text nung delivery man." umirap lang ito sa kawalan "guilty," "Tinanggi ko ba? ha?" baliw,umiiling nalang ako habang natatawa. Kinuha ko agad ang bag ko saktong pagpark ko at nagmadaling umakyat, ayuko maabutan ng hapon kasi traffic. "Hoy! Brille kumalma ka!" sigaw nito. Nagmadali parin ako sa pag akyat kelan ba kase magkakaron ng elevator, meron naman talaga ang kaso dalawa lang. Sobrang dami kaya ng tao dito sa building na'to. Hindi enough ang dalawang elevator, nasa 30 rin kase yung apartment kada building tapos dalawa lang elevator eh halos connected 'tong dalawang building bale tig iisang elevator kada building,hanep. Binuksan ko agad ang pinto at tumungo sa kwarto. Nagpalit kaagad ako ng damit at inilagay ang uniform ko sa lagayan ng maruming damitan. Ngayon pa ako tinamad na maglaba kung kelan naman nasa bahay na. Inayos ko nalang muna ang mga dapat at gamit ko saka nag handa ng dadalhin sa bahay na gamit. "Ako na maglalaba!" napatalon ako bigla ng nagsalita ito mula sa likuran ko. "Para 'tong tanga papatayin mo ko sa kaba." tumawa lang si venice ng malakas saka kinuha ang uniporme ko "baliw eh, ikaw na maglalaba?" tanong ko. "Oo na, alam ko naman bakit nagmamadali ka kanina rush hour. Eh kahit hapon pa laging traffic dun andaming tao jusko, sige na umalis ka na para hindi ka naabutan ng gabi o matatapos na ang araw." "Thankyou," kinuha ko na agad ang bag ko at inayos ang buhok ko sa salamin. Naghilamos muna ako at naglagay ng cream sa mukha naglagay ng unting kolorete para magmukhang presentable. Inilugay ko lang ang mahaba kung buhok. Nakasuot lang ang ng fitted na tops and jagger pants. Pagkatapos ko mag ayos e lumabas na ako ng kwarto ko, naabutan ko namang nakaupo sa venice sa sala. "Mauuna na ako, i-tetext kita pag andun na ako" paalam ko. Tumango lang ito bago tumugon. "Sige, ingat ka. Balitaan mo nalang ako, impossibleng wala kang chika pag uwi." umirap lang ako sa kawalan, hay nako napaka chismosa parang mga kapitbahay n'yong nag uumpukan na tila langgam pag may pagkain. "Chismosa ka talaga!" narinig ko lang itong tumawa dahil tumalikod na rin ako at nag suot na ng sapatos. Pagkasarado ko ng pinto ay ka agad akong nag lakad sa kaliwang hallway baka kase available yung elevator o wala masyadong nag a abang. Dalawa iyon pero sa bawat building yun, pwede naman gamitin yung isa kung pwede pa. Kahit sa pangatlong palapag lang kami e tinatamad ako para maghagdan dahil sa nagmadali akong umalyat. Tatlo lang kaming nag a abang, pag umaayon nga naman ang tadhana. Sana laging gan'to para hindi kami haggard ni venice pag papasok. Minsan kase kahit agahan o tanghali aalis marami parang nakakasabay. Bumukas na ang elevator pare pareho naman kaming sa ground floor and destina kaya hindi nalang ako kumibot o gumalaw sa likuran. Nang bumukas itong muli nauna silang lumabas sa'kin at saka na ako sumunod para tumungo sa kotse kong nakaparada sa tabi. Sumakay na ako sa kotse ko at nagseatbelt muna bago ito pinaandar. Ano kayang ganap na sa bahay? Masesermonan na naman ba ako? Teka wala namang bago, ba't kelangan ko pang magtanong. Medyo mabilis ang byahe ngayon hindi naman heavy traffic. Mabilis lang din makausad. Madami nga lang tao sa paligid at dumadaan naka green pa ang traffic light, kaya ilang segundo pa bago ipaandar uli. Pagkared ay kaagad kung pinaandar ang kotse at 'di kalaunay iniliko ito. Iba na kase ang routa ko malayo layo yung bahay dahil sa papasok yung village i mean sa dulo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD