NISHI
"Aalis lang ako,mabilis lang din naman.Don't worry."pagpaalam ko sa kabanda ko at tumango naman ito at hinayaan nalang ako na umalis.
Death anniversary ng sister ko ngayon at balak kong bisitahin siya lalo na at hindi ko alam kung kailan ako makakabalik due to busy schedules.While on the way there,may scenery ako na nakita
Two person who made a promised to be bestfriends forever even there is no certainty na magkikita silang muli.Napansin ko ang hawak-hawak na bracelet na pamilyar sa akin—
Itinaas ko ang kabila kong kamay para matukoy ko kung tama ba,Walang halong duda na ang bracelet na suot ko ngayon at yung hawak hawak ng isang tao na nakita ko kanina ay iisa lang
Kung ganoon ay maaaring ako yung isang tao doon?Pero sino naman kaya ang taong pinagbigyan ko nun?
Dahil sa nangyari,hindi ko alam na nandito na pala ako.Bumaba ako ng sasakyan at tumingin sa paligid.
Maraming nabago ibig sabihin matagal na talaga akong hindi nakakadalaw dito.Matanaw sa 'di kalayuan ang pigura ng isang babae na katabi lang ng libigan ng ate ko.Kinuha ko ang dala dala kong
Bulaklak at naglakad na.
Palapit na ako ng palapit,ay maririnig ko ang iyak ng isang babae na kung saan ay katabi lang kung saan pinaglibingan ng ate ko kaya ay nilapitan ko ito kahit na hindi ko man ito kakilala.
“Even if you're blaming yourself,he will never get his life back,you have to let him go.”pagkasabi ko,tumayo ito at tiningnan ako na may pagtataka.
“What do you know and who are you?wala kang pakialam kung umiyak ako rito or what.Unang-una ay buhay ko ’to at isa pa ay hindi kita kilala!".Sa ayos mong ’yan nagmumukha kanang kidnapper!.
What?I am just a concern citizen.Wala naman atang mali sa sinabi ko,hindi ba?At tsaka sa gwapo kong 'to kidnapper?pero may point naman siya dahil sa suot ko—pero hell,hindi ako kidnapper no!Kung Alam niya lang talaga kung sino at ako ay baka kanina pa ’ito hindi makahinga.
"What?"dahil sa pagmumuni ay hindi ko alam na nakatitig na pala ako sa kanya.Pero imbes na sumagot ay inilagay ko nalang ang bulaklak sa grave ni ate at umalis agad ako.Hindi na ako nagtagal pa doon baka pag-initan na naman ako ng babaeng 'yon.Sana pala hindi ko nalang ito nilapitan, pero wala rin naman kasing saysay kung umiyak lang siya ng umiyak diba?
Dahil maaga pa para bumalik sa dormitory kung nasaan ang kasama ko ay pumunta nalang ako sa malapit na coffee shop para naman ay mabawasan ang pagod ko ngayong araw.Hindi na ako bumili pa ng kahit ano—kahit Softdrinks dahil In strict diet ako.Good to know na walang nakakakilala sa akin para malayo sa gulo na sanhi ng Fans ko.At para makapag coffee ako rito ng matiwasay.
Pagkatapos ay may pinuntahan ako—Bahay ng lola ko.Grabe,kakamiss din pala ito.Nandito din naman yung mga ibang apo niya para mag-alaga sa kaniya habang wala ako.Sabi ko nga magh-hire nalang ako na magaalaga sa kaniya kasi ako naman ang gagastos pero ayaw talaga nila mas mabuti daw na sila ang mag-alaga kaya wala din akong nagawa pa.
“Mano po.”Nagmano naman ako kay lola matapos makarating dito.
“Kumusta kana apo?.”Good thing to know na naalala pa niya ako,akala ko nga hindi na niya ako matatandaan pa dahil sa matagal na rin simula noong huli akong nakapagbisita dito.
“Mabuti naman po”sagot ko.
“Mabuti naman at bumisita ka,Nishi.”sabi naman ni auntie Teresa.Oo nga pala nandito rin pala sila kasama ang pamilya nito.
“Mabuti nga eh,sa higpit ng manager namin at buti pinayagan ako na lumabas.Pero hindi lang ganoon kadalas dahil iba na rin po kasi yung buhay ko ngayon—hindi na katulad noon.”sabi ko at napayuko.Naalala ko yung mga araw na nakakapaglaro pa ako kasama kaibigan ko,kasama si Ris.
“Ganoon talaga kapag palapit na ng tumanda.”sabat naman ni Jarenz—kapatid ko,na nagtatrabaho bilang
guro dito sa lugar namin.
“Kuya!”yumakap ako sa kanya,kakarating niya lang galing sa eskwelahan nito.
“How's life?sikat kana ah at alam mo ba palagi nilang tinatanong kung anong buhay na mayroong isang kapatid na sobrang sikat,tapos alam mo ba ang sagot ko?.Umiling ako.
sabi ko,syempre nakakatuwa kasi pangarap niya lang dati pa 'yon eh,tapos ngayon abot na niya.Mahal na mahal ko yung kapatid ko—more than he knows."dahil sa sinabi niya ay bigla akong napangiti kaya yumakap ako sa kanya.
“Dami mong drama, kuya”sabi ko at tumawa kami pati sina auntie.
Si kuya kasi at isa ko pang kapatid
ay dito nalang tumira dahil gusto nila dito,madami din kasing memories dito.At sina mama at papa?ayon busy din sa buhay nila.
Si mama nasa abroad at tsaka si papa hindi ko alam kung kailan umuuwi,lawyer din kasi si papa at hindi biro yung trabaho niya.Buti na nga lang at suportado siya sa pangarap ko at syempre ako?may dormitory naman kami kung saan ay doon na kami tumitira kaya hindi ako halos makauwi dito.May iba din nàman kaming bahay na pagmamay-ari mismo namin kaso simula noong nagkasakit si lola ay hindi na madalas 'yon napupuntahan pero may nag-aalaga din naman doon.Minsan umuuwi ako doon kapag may problema ako,o sadyang kailangan lang talaga.
“Mauna na ako.”pagpaalam ko dahil tinatawagan na ako ng kasama ko,may practice pa kasi talaga kami sa darating na concert namin tapos sa susunod na buwan ay sa ibang bansa na.Kaya nakakapagod din pero lumalaban.
“On my way.”sabi ko,nang tumawag ulit yung isa sa kasamahan ko na si Frex.