Napatigil nalang kami nang mag vibrate ang aming laptop.Napakunot noo na lamang ako nang biglang may nagpop-out na notifications na galing sa email.Pagkabasa ko na 'yon ay bigla akong napatingin sa kanila na tila ay nagtataka rin sila,Nagkatinginan kaming lahat.
"TANGGAP TAYOOOOOOOOOOO!!!!!"Sigaw naman naming lahat.Nagapply din kasi kami sa university sa abroad at hindi naman namin inaakala ay matatanggap kami.May Pera naman kami para makapunta doon,Sa katunayan,ay matagal na namin itong pinag-iiponan kung sakaling darating ang araw na ito ay hindi na kami mababahala sa gastusin-at dumating nga ang araw na 'yon
At ito yung araw na iyon. Sa online din kami nag apply para hindi pa namin kailangan pumunta doon para lang makapag-apply.
"English major nalang kaya kunin natin na course sa college total pwede namang makapag-abroad 'yon."suhestiyon ko sa mga kaibigan ko.Nang sa ganoon,ay magsama-sama tayo sa iisang apartment".Dagdag ko.
"At isa pa sabay pa tayong makapunta nang ibang bansa"Sabi pa ni Nazeera.
"I like that idea"Sang-ayon ni Uziel.
"Ikaw Killian?tumingin ito sa akin,ay tama pala hindi siya pwede....
Sayang no pupunta kana sa ibang bansa eh"lungkot namang saad ko.
"oo nga sure kana ba talaga na iiwan mo kami?"si aerilla.
"I am not sure eh,kung kagustuhan ko man ay ayoko na iwan kayo rito but yeah i have no choice, besides desisyon ni mommy eh"sagot nito.
"WAAHHHH BASTA HANAPAN MO AKO NG POGI DOON HA DAPAT YUNG JAPANESE,MABANGO,GREENFLAG,TAPOS KA SAME VIBES KO TAPOS-"
"tapos tumigil kana diyan sa fantasy mo Nazeera. Pagputol sa kanya ni Aerilla.Naku yang Pangarap mo nasa libro lang 'yan eh,wala na 'yang ganyan ngayon".dagdag pa nito.
"Palibhasa walang pakialam sa'yo crush mo eh"Natawa nalang kami dahil sa bangayan nilang dalawa.
Here we go again.
Tumingin ako kay nazeera.
"Tsaka diba may natitipuhan kana?" tanong ko,referring to the guy that she talks about.
"Saan sa kanila?" sagot niya habang ngumunguya ng chips. napasapol nalang ako dahil sa sinagot niya habang ang katabi ko ay tumatawa.
Nasa bahay nga pala kami ni Nazeera ngayon wala namang pasok at tsaka kakatamad din sa bahay wala akong makausap kaya nandito kami.
"Sino nga ba sa kanila eh sa dami-dami mo bang kinukwento sa amin"sabat naman ni Uriel na ikinatawa ni killian.
"That guy na author na pogi, what's his name again?." hindi ko na maalala 'yong name ng lalaking 'yon eh.Total greenflag din naman kasi talaga 'yon kaya sino bang hindi magkakagusto sa lalaking 'yon?
"Kiev"Tipid na sagot naman ni Aerilla.
"Ay oo nga,anyway, wala kang pag-asa doon"sagot naman ni killian.
"Sus nagseselos kalang eh"
"HUY HINDI AHHH!!"deny naman ni Killian at sinamaan ako ng tingin nito.
"Huh?"ay takte huli na ng mapagtanto ko na nasabi ko pala 'yon ng malakas na dapat ay sa isipan ko lang 'yon.At sa huli ay nag peace sign nalang ako sa kanilang dalawa.
Dati kasi itong si killian may gusto kay nazeera,binigyan pa nga niya ito ng bulaklak.Tinanggap naman niya 'yon kaso ayon hanggang friends nalang daw talaga sila at ito nga.
"Ikaw ba Souris may nagugustuhan kana ba?"diretsahang tanong sa akin ni Aerilla.wala naman akong maisip na may nagugustuhan ako except to this one guy.Nang hindi ako makapagsalita ay tila nababasa na nila yung nasa utak ko.
"Siya parin ba?"tanong naman ni Uzriel.
"Siya naman palagi,kahit hindi niya ako kilala o never magkaroon ng chance na maging kami.Always him."
Napapangiti nalang ako kapag tinitingnan ko mga larawan niya sa phone ko,kung paano siya ngumiti pero napakasakit din kapag hindi ka niya talaga kilala.
Admiring him from afar nalang talaga siguro,kahit ilang taon ang aabutin bago niya ako mapapansin ay maghihintay ako. Hindi ko na talaga alam sa sarili ko kasi hindi naman ako ganito dati sa nagugustuhan ko dati , Pero iba kasi talaga siya ang laki ng Impact.Ni,hindi na nga ako nagkaroon ng interest sa ibang lalaki kasi gusto ko siya lang ang iibigin ko kahit na walang pagkakataon.
"Naks taray mo souris ah." panunukso pa sa akin ni Nazeera.
"Baka souris ko 'yan"sabat pa ni Aerilla.Natigil ang kwentuhan sa asaran namin dati,Grabe nakakamiss din pala 'yon.
These past few weeks ay naging busy din kami sa school kung saan kami nagtuturo,Sa Vacation din naman kasi kami aalis papuntang abroad at naisipan namin na sa vacation nalang talaga para hindi na uuwi pa dito si killian at doon na lamang kami magkikita.Sabi naman ni killian ay hindi na daw din namin aabalahin pa kung ano ang titirhan namin since voluntary naman siya na sa bahay nalang nila kami papatuluyin at malapit lang din doon yung university na napag applyan namin.Pagkatapos naman ay pumunta ako ng sementeryo kung nasaan nakalibing ang boyfriend ko.He died years ago because of me,dahil sa kaliligtas sa'kin.
"I'm sorry for everything love kung h-hindi lang talaga dahil sa akin ay s-sana nandito ka pa.Napakatanga ko din kasi kung bakit ay umuwi ako ng mag-isa ng gabi .Napagbayaran nga nila ang kasalanan nila sa'yo kaso hindi ka naman mababalik.I-im sorry love please bumalik kana,kakapagod na mag-isa,kakapagod gumising na wala ka.....feeling ko hindi kumpleto araw ko kapag wala ka..Sana, sana kasi ako nalang 'yong nandyan."tuloy parin ako sa pag-iyak,I can't stop for blaming myself.
"Even if you blame yourself, he will never get his life back, you have to let him go. A person's life will never get back by blaming yourself".saad ng kung sinong nasa likuran ko.Paglingon ko sa kanya ay tanging mata lang ang nakikita ko at nakasuot ng t-shirt na black at tsaka nakasuot ng pants.Sa mukha ay hindi ko talaga makilala kung sino siya since nakamask at naka suot pa ng sumbrero kaya tanging mata lang talaga ang makikita,nagdala rin ito ng bulaklak.
"What do you know? and Who are you?"kalmang tugon ko. Sa halip na pansinin ako ay dumiretso siya sa isang puntod na katabi sa akin at nilagay ang bouquet na bulaklak na dala-dala niya,
Pagkatapos ng ilang minuto ay tumayo na ito at tumalikod at nilagpasan ako.Wala akong nagawa kung hindi ay tingnan nalang siya habang papalayo.Ngayon ko lang napansin na may katangkaran ito at maputi ang balat na parang isang koreano. Nakita ko nalang ito na sumakay na sa van na sinasakyan nito.
I don't know why it feels like I have known him for a years now.
have we met before?