EPISODE 1

1611 Words
"Magandang umaga po kuya Enson!" Masayang bati ko sa isang bouncer ng bar na aking pinagtatrabahuan. "Walang maganda sa umaga ko ngayon Quinn!" Masungit na tugon nito na ikinatawa ko. "Asusss! Di ka lang naka-score kagabi masama na agad timpla ng hapon mo. Bawi ka nalang next life kuya!" Natatawang sabi ko sa kanya na ikinatawa rin ng mga kasabayan ko sa pagpasok. "Ikaw talagang babae ka.! Ang ingay mo!" Nakabusangot na tugon niya sa akin. Napahalakhak ako. "Eh kailan ba ako naging tahimik?" "Oo na! Oo na! Pumasok ka na dun!" Sabi nito habang ipinagtutulakan ako papasok. "Quinn!!" Bago pa man ako makapasok ng tuluyan ay napagawi na agad ang tingin ko sa baklang tumawag sa akin. Mabilis itong lumapit sa akin at hinawakan ang aking braso para hilahin. Ano na naman kaya ang kailangan sakin nito! Agad na rumehistro sa mukha ko ang pagtataka ng mapagtanto ko kung saan niya ako dadalhin. "Manager!" Agaw ng pansin ko sa kanya. Gusto ko sana siyang tanungin kung ano ang pakay niya sa akin at kailangan niya pa akong dalhin sa pasilyong ito. Ang pasilyo patungo sa kwartong labis na ipinagbabawal puntahan sa karamihan sa amin..at isa na ako dun. "Ay! Mamaya ka na magtanong Quinn! Basta gawin mo na lang kung ano ang ipapagawa ko sayo mamaya." Natataranta na tugon niya sa akin. Nung malapit na kami sa pintuan ay may dalawang lalaki ang humarang sa amin. "Siya ang magpeperform mamaya." Agad na saad niya sa dalawang bantay sa labas ng kwarto nang mawari niyang sa akin ang mga ito nakatingin. May pagtataka ko siyang tiningnan. Hindi ko alam kung nabingi lang ba ako o tama ba ang pagkakarinig ko sa sinabi niya. Ako ba ang tinutukoy niya na magpeperform? Para saan? Agad naman na binuksan ng isa ang pintuan para papasukun kami. Pagkapasok namin ay hindi ko naitago ang labis na pagtataka. Wala naman palang masyadong laman ang kwartong ito eh! Kaya bakit pa nila kami pinagbabawalang pumunta dito?! Sa loob niyon ay pawang mga bookshelves ang nagsisilbing dingding. Nakapalibot ito sa buong silid sa bawat gilid ng kwarto. At sa harapan namin ay may isang study table, may upuan, at sa mesang iyon ay may nakalagay na magkakapatong na limang libro at lampshade na siyang tanging nagbibigay liwanag sa kabuuan. "Halika!" Ang pagtataka na meron ako kanina ay mas dumoble pa ng ipatong niya ang kanyang kamay sa mga librong nasa mesa.. at --- Ano to?!! Scanner!! Nanlalaki ang mga mata kong tinitigan siya. Nakabaling na ang tingin niya sa akin. "Ngayon pa lang pagsasabihan na kita Quinn. Lahat ng nakikita mo ngayon at makikita mo mamaya ay isang malaking sikreto ng bar na ito. Kapag ipinagsabi mo ito sa iba.. buhay mo ang isisingil nila." Seryosong saad niya sa akin. Mas napamulagat ang may medyo pagkabilog kong mga mata. Kaya ba sa tinatagal-tagal ng pagsasama-sama namin ay ni minsa'y hindi siya nagkekwento sa amin ng tungkol sa kwartong ito.? Lahat kaming magkakatrabaho ay alam na isa siya sa may pahintulot na pumasok sa lugar na ito. Subalit walang nakakaalam sa amin kung anong meron dito. Dahil kahit anong kulit namin sa kanya na magkwento tungkol dito ay ni minsa'y hindi niya kami sinagot at iniiba agad ang topiko. "Teka lang.. eh ikaw nagdala sakin dito! Hindi ko ginustong pumasok sa kwartong ito Leo!" May galit na tugon ko sa kanya. Bakit nadamay na pati buhay ko dito? Ni hindi ko nga inaasahan na mapupunta ako sa lugar na ito. Tapos ngayon tatakutin niya ako?!! Kahit Manager at kaibigan ko siya ay hindi ko hahayaan na dektahan niya ako sa kung anong gagawin ko. Ni wala nga akong alam kung ano ang tunay na pakay niya sa akin eh. "Lalabas na ako. Wag kang mag-alala hindi ko ipagsasabi ang tungkol dito." May mahinahon kong dugtong. Pumihit na ako paharap sa may pintuan ng magsalita siya ulit. "Quinn.. ok lang sana kung ako lang ang mawawalan ng trabaho. Pero lahat tayo dito damay. Kapag di ka sumama sakin ngayon paniguradong bukas abala na tayo sa paghahanap ng panibagong mapapasukan.." medyo garalgal na saad niya, dahilan ng paghinto ko sa paglalakad papunta sa pintuan. Hinarap ko siya ulit. Sa sahig siya nakatingin kaya hindi ko kita ang mga mata niya na alam kong may luha nang namumuo. "Anong ibig mong sabihin?" Mabilis na tanong ko sa kanya habang nakakunot ang noo. "Yung isa kasing nagtatrabaho dito umalis kaninang umaga.. tapos hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik! Pupunta mamaya si boss dito kasama ang mga kaibigan. Hindi pwedeng walang sasayaw sa entablado.." nakayuko pa rin na paliwanag nito habang sumisinghot-singhot. "Sasayaw sa entablado?!!!" Gulantang na tanong ko sa kanya. Sino ba naman kasi ang hindi magugulat. Ang pagkakalam ko kasi ay walang ganun sa bar na ito. Inumin, banda, at sayawan sa gitna lang ang meron. "Pasensya ka na talaga Quinn.. alam ko na nabibigla ka sa mga natutuklasan mo ngayon sa bar na ito. Kahit ako nung una rin ay ganyan na ganyan din ako sayo, pero mas malaki ang sahod at marami ang benepisyong ibinibigay nila dito kesa doon sa labas.---" iniangat niya ang kanyang ulo at tinitigan ako. "---Kaya nga ikaw agad ang naisip kong ipalit pansamantala sa babaeng iyon eh, kasi alam kong kailangan mo ng malaking pera.. Ito na yun Quinn. Ito na ang pagkakataon mo para makaipon ng malaki!" "Pero hindi ko kayang sumayaw na parang bayarang babae sa harap ng kung sino man..!" Napataas ang boses ko dahil sa kaisipang hindi man lang niya naisip na ang bagay na ipapagawa niya sa akin ay hindi marangal. "Pero wala namang ibang makakaalam Quinn.. lahat ng nangyayari at mangyayari sa loob ay mananatili lang doon. Yun ang patakaran. Maghunos-dili ka Quinn, marami ang mawawalan ng trabaho kapag wala akong maiharap na babae mamaya sa kanila. Pero kung pagbibigyan mo ako kahit ngayon lang... ay may trabaho pa tayong aasahan bukas.. At may maiuuwi ka pa na malaking pera kinabukasan." Mariing pagkukumbinsi niya sa akin. Napapikit ako ng mariin habang ginugulo ang buhok. Nakakalito. Hindi ko alam kung ano ba ang mas mabuting gawin. Ayaw ko!. Kahit hindi ako nakapagtapos ng pag-aaral ay alam na alam ko na hindi marangal na trabaho ang iniaalok niya sa akin.. Pero.. Mawawalan kami ng trabaho kapag di ko ito ginawa. Tiim-bagang ko siyang tinitigan. "Sige. Pero ngayong gabi lang." Kagat labi kong pag-sang-ayon sa kanya. Ayaw ko. Pero wala akong ibang mapagpipilian. Sa panahon ngayon ay mahirap ng makahanap ng trabahong may sapat na kita. At ayaw ko rin na mawalan ng trabaho ang mga taong pamilya na rin ang aking turing. Dito sila sa bar na ito umaasa. Kaya dapat lang na piliin ko muna sa ngayon ang kapakanan naming lahat. Ngayong gabi lang Freya! Kaya mo to! "Salamat Quinn!!" May ginhawang pagpapasalamat niya sakin habang mahigpit niya na hawak ang isa kaliwa kong kamay at pinipisil-pisil ito. Pagkatapos ng ginawa naming senaryo ay muli niyang ipinatong ang kanyang kanang kamay sa iababaw ng limang librong magkakapatong sa ibabaw ng mesa. Bumalik uli ang pagkagulat sa aking mukha. Ang bookshelf na nasa harapan namin ay unti-unti na nahati sa gitna at inilabas doon ang nakatagong elevator. "Ba-ba-bakit may gani-" "Halika na.. kailangan mo pang mag-ayos." nagmamadaling sabi niya at hinila ako papasaok sa elevator. Nagpatianod na lang ako sa kanya kahit na hindi ko pa tapos ang gusto ko sanang itanong sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba itong desisyon ko. Pero sana.. sana hindi ko ito pagsisisihan sa bandang huli. Ito ang naiisip kong tamang gawin sa ngayon. Alang-alang sa mga taong nagtatrabaho dito, na sa haba ng panahon ng aming pagkakasama ay naging kaibigan at kapamilya ko na rin. Sila lang ang meron ako ngayon.. Mga nasa walong taon na gulang pa lang kasi ako noon ng mamatay ang mga magulang ko.. at yung mga kadugo ko na inaasahan ko sanang kukupkop sa akin ay ipinagtabuyan at iniwan lang ako. Nanatili ako ng halos limang taon sa bahay ampunan. Tumakas ako doon dahil sa pagmamalupit ng taong namamahala roon at dahil rin sa pangbubully ng mga kapwa-bata ko na andun din. Nagpalaboy-laboy sa lansangan, nanghihingi ng pagkain or pera sa mga taong dumadaraan para lang maibsan ang gutom sa bawat araw. Nasa ganung sitwasyon ako ng may isang tao na may magandang kalooban, na bukal sa puso akong tinulungan. Siya si Nanay Yna. Kinupkop niya ako at ipinag-aral. Katulad ko ay nag-iisa lang rin siya sa buhay. Itinuring niya ako bilang kanyang sariling anak. Mabait siya sobra.. Kaya lang... hindi rin nagtagal... ay kinuha din Niya siya sa akin. Gaya ng pag kuha Niya sa mga magulang ko. "Ok ka lang ba?" Napaigtad ako sa aking kinauupuan. Nagpalinga-linga, hindi ko namalayan na andito na pala kami, sa loob ng kwarto kung saan inaayusan kami na mga babaeng sasayaw mamaya. Tumango ako sa kanya. Pilit na itinatago sa sarili ang kabang nararamdaman. Naiilang din ako sa ipinasuot nila sa akin. Red lingerie. Masyadong malambot ito sa balat ko, na kahit konting kembot o galaw ko lang ay siguradong makikitaan ako. Di rin nila ako pinasuot ng bra, tanging n****e tape lang ang kanilang pinayagang ilagay ko para di naman bumakat ang n*****s ko. 'Ngayong gabi lang ito Quinn.. bukas babalik din sa normal ang lahat.' "We're running out of time. Kailangan niyo nang pumunta sa backstage. Dumating na daw sila boss.!!" bulalas ng isang babae na nasa mid thirties. Sa telepono ito nakatingin na para bang may binabasang mensahe. Sa pagtayo ko ay iniusal ko ang aking panalangin. 'Please po..huwag Niyo po sanang hayaan na pagsisisihan ko ang gagawin kong ito sa bandang huli...' to be continued....
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD