Three : Sino ka ba?
Mara Jessica
"Good morning." Bati ng isang matandang babae na kakapasok lang sa room nung nag bell. Sa palagay ko siya ang adviser naming.
"Morning din ma'am Wen." Bati ng mga students, kami? hindi. Alangan naman babatiin din naming eh sa hindi namin kilala?
Napatingin naman si Ma'am Wen sa gawi namin at ngumiti. "May transferees pala tayo, would you mind to introduce yourselves ladies?" Sabi ni ma'am samin kaya tumayo kaming lima at pumunta sa harap.
"Hi! I'm Cassandra Mae Park."
"I'm Jana Caryl Mendez."
"Kielyn Santos."
"Rena."
"Mara Jessica, Jessica nalang." Pagpapakilala ko, syempre di ko sinabi ang surname ko, edi malalaman niya?
Napatingin ako sa limang lalake na naka upo sa likod ng upuan namin. Buti naman at di silang lahat nakikinig. Siya naman ay nakapikit habang may earphones na suot.
"Thank you for introducing yourselves in front ladies. I'm Ma'am Wen pala your adviser, you can now take your seats." Sabi samin ni ma'am Wen kaya umupo na kami sa likuran at nag discuss na si ma'am.
---
"Oh my gee! ang po pogi ng mga boys sa likuran natin kanina! eeh!" Kinikilig na sambit ni Cass.
Andito kami ngayon sa cafeteria, kakatapos lang ng 3rd subject namin kaya lunch na ngayon.
Sumubo ako ng salad ng nagsalita si Jana. "Oo nga! hay. ang gwapo nung lalake na naka earphones na black. Crush ko na ata siya." Pagka sabi nun ni Jana ay naibuga ko ang kinain ko, kaya napatingin sila sa gawi ko at binigyan ng tubig.
"Anyare sayo teh? don't tell me gusto mo din yung lalakeng yun?" Asar ni Jana saken at ngumisi pa ng nakakaloko.
Magsasalita sana ako ng sumabat si Ren. " Kambal niya yun, di niyo nahalata?" Malamig na sabi ni Rena.
Mukha naman silang nagulat pwera lang kay Ren na busy sa pagbabasa ng libro.
Napatingin naman sila saken na parang nagtatanong kung totoo ba ang sinasabi ni Ren. Tumango lang ako.
"Uwaah! Jessi! please wag mong sabihin sakanya!" Sabi ni Jana.
"Paano ko sasabihin kung di pa niya ko kilala, diba?"
"Bakit, di ka ba niya nakilala?" Takang tanong ni Cass saken.
Tumango ako. "Huh? Panong nangyari yun? Eh ikaw nga nakilala mo siya agad habang siya hindi." Sabi ni Kie.
Whoa! Nakikinig din pala to?
"Uy, Kie! 14 words yun ah. New achievement! Next naman 20 words ah?" Asar ni Cass Kay Kie.
Kahit kelan talaga. Di nalang siya pinansin ni Kie at tiningnan ako.
"Hmm.. Siguro, Hindi niya ko namukhaan, sa tagal
Ba naman kaming Hindi nagkita? Kaya ko lang nalaman na siya si JM kasi palagi ko nakikita ang pictures niya na pinapakita Nina Mama tuwing mag sskype kami ." Sagot ko Kay Kie.
"Hm.." Tumango lang ito.
"Ang gwapo na ni JM noh? Nakakamiss siyang asarin haha!" Natatawang kwento ni Jana. Haha oo nga no? palagi nalang naasar siya samin noon. Nagsitanguan lang kami at ngumingiti. Pwera kay Ren na ngumingisi lang.
"Guys, diba narinig niyo ang sigaw ng mga babae kanina na 'ANDYAN na ang Bad Royalty Gang' ?" Tanong samin ni Jana.
Tumango lang kami pati narin si Rena.
"Diba sila ang Strongest Gang sa Pinas?" Hula ko.
"Oo, sila nga." Malamig na tugon ni Rena. Buwisit tong si Rena! Pinapataas palagi ang balahibo ko sa sobrang cold niya! Sana COLDeen nalang ang second niya at Hindi COLeen! Hmp!!
Hindi na natuloy ni Cass ang sasabihin niya ng biglang nag ingay ang cafeteria.
"Oh my! Nandito na ang BAD ROYALTY GANG!!"
"Uwaahhh!! Marry me, Anthony!!"
"Be Mine, Xander!"
"Be my Forever Ashton mylabs!!"
"Walang FOREVER!!!"
"BITTTERRRR!!!!"
"AKIN KA NALANG Christian oppa!!"
"TSE! Mas gwapo pa kaya ako Kay Chris!"
"LAMPAKE!"
"KYAAHH!!"
"I love you!!!! James!"
Grabe, ang sarap takpan ng tape ang mga bibig nila, stapler nalang kaya para mas maganda? May design pa!
"Bwisit tong mga babae, kung kinaladkad nalang kaya nila ang BRG papalayo para tumahimik ang mala mega phone nilang bunganga." Inis na sabi ni Jana habang tinatakpan ang tenga niya gamit ng kanyang kamay. (BRG -Bad Royalty Gang)
"Oo nga, nakakabwisit, papakainin ko kaya sila ng lupa ng tumahimik?" Cold na sabi naman ni Rena sabay suot ng headset niya at nakita kong pinindot niya ang play sa kanyang phone at minaximum volume. hoho! ganyan talaga yan kapag naiinis or badtrip. o kaya.. bored. :)
"Nakakainis sila ah!" Inis na sabi ni Cass at ginaya si Jana na tinakpan din ang kanyang mga tenga.
"Urgh!" Kie groaned at kumain ulit. Not minding the noises around her.
I just rolled my eyes and eat.
Napansin kong tumahimik ang Cafeteria.
Napaangat naman ako ng tingin at nakita ang limang lalake na nakaupo sa tapat namin at tinitigan kami.
Napansin kong tinitigan din ng mga kasama ko ang mga lalake.
Tinitigan ko din ang mga lalake.
Napatingin naman ako kay JM.
Kunot noo niya akong tinitigan na parang inaalala niya ko.
Ngumisi ako.
Tumayo ako at lumapit sakanilang table. Sumunod naman yung mga kasama ko.
"Hello there, James Mark." Bati ko sakanya.
Mukhang nagulat naman yung mga kasama niya. tss.
"Do I know you?" Takang tanong niya sakin at tumayo. Sinalubong niya ang tingin ko ng matalim na tingin kaya tiningnan ko din siya ng matalim. Kala mo ha!
"Oww... You don't know me? haha! That's funny... Diba noon.. or.. maybe hanggang ngayon ay adik ka sa..." Sabi ko sakanya. Binitin ko pa siya sa huli kasi inilapit ko ang bibig ko sa kanyang tenga at bumulong.
"Super Mario?"
Lumayo na ko at nginisihan siya.. Bwahahaha! ang pula ng kanyang mukha!
Tiningnan niya ko ng masama. "Y-you!.. How-- Aish! Sino ka ba ha?!" Galit na tanong niya sakin.
"You find it out." Sagot ko sakanya at tinalikuran siya.
Aalis na sana ako ng may maisip akong kalokohan. Liningon ko ulit siya nakatingin saken ng masama.
"Diba your gang is Bad Royalty?" Tanong ko sakanya.
"Yes." Sagot niya.
"Hmm... Kaya pala ang weak ng gang na yun.. Ikaw yung leader."
Nginisihan ko lang siya ng tiningnan niya ko ng pinakasama sa sinabi ko.
"Don't you know that we are the strongest gang in the Philippines?" Nagpipigil na galit na tanong ng isang lalake na gwapo. Bad boy na bad boy yung dating.
Nginisihan ko lang siya. "Alam ko kaso Weak kayo para sakin." Pang aasar ko.
Narinig ko pa ang mga bulong bulungan na di ko pa daw sila kilala at sana mamatay na kami dahil sa wala kaming respeto sa lalake na to. Tch.
"Wag na wag mo kaming lalaitin, baka kung ano pa ang magawa namin sa'yo, sainyo." Sagot sakin nung lalake na halatang Cassanova.
"Galit na kayo nan? Edi totoo pala na weak kayo.. Naasar kayo eh." Asar ni Cass at nginisihan sila. Tiningnan nila kami ng masama.
Tumalikod na ko at lumakad paalis ng Cafeteria.
"Grabe ka Jessi!"
"Whoa! haha! naasar sila sa'yo!"
"Nice Jess."
"Good."
Puri ng mga kasama ko sakin. Ngumiti naman ako.
Malapit na JM, Magkakasama na ulit tayo. Kahit MISS NA MISS NA MISS na kita.. Pagtitripan muna kita.