Forty-eight: Taste of evil MARA JESSICA Nanginginig amg aking mga kamay habang dahan dahan kong binaba ang baso sa kitchen counter. Pakiramdam ko may mali sa aking nararamdaman. Pakiramdam ko may mali. May mali. "Oy, Mara! Napano ka?" Napatalon naman ako bigla ng marinig ko ang boses ni Cass. Bakit bigla nalamang ako naging paranoid? Jusko naman kailangan kong kalmahin sarili ko. Tumawa naman si Cass sa inakto ko at lumapit sakin. "Ano ba nangyayari sayo? Kanina ka pa nababalisa." Tanong nito sakin at nag cross arms. Umiling naman ako sakanya at ngumiti. Sumandal naman ako sa kitchen counter at napabuntong hininga. "Wala naman, Cass." Sagot ko sa kanyang tanong. Tinaasan naman niya ko ng kilay halatang hindi ito naniniwala. Bakit ba kasi kilalang kilala nila ako? "Alam kong meron, Ma

