Nine: Saving Kielyn
James Mark
"Okay, at 11 pm mamaya. Pupunta tayo sa Emigold forest. Sa dulo nun ay may isang warehouse." I said as all of us are in the living room. Sa bahay ng mga girls.
"All right, Boys. Dun kayo sa likod ng Emigold forest dadaan. Girls, tayo ang dadaan sa harap." Jessica said.
"Pero teka, mapapahamak kayo." Sabi ni Ashton.
Tumango naman si Jessica."Yes, I know. We will act as a scared Teens na naglakas loob upang kunin ang kaibigan namin upang kunin kami at papasukin sa loob."
"At pati kayo sasagipin namin? Nice plan, Jessica." Xander sarcastically said.
Then That Jana girl smirked. "May plano din kami kapag naka pasok na kami sa loob."She said.
"At ano naman yun?" I asked.
She looked at me and answered,"SECRET!"
Napa buntong hininga kaming mga boys.
"Okay. So if the girls got inside, Kakalabanin natin ang mga guards sa labas at papasok tayo." I said.
Tumango naman sila. Umakyat ang mga girls sa kanilang mga silid upang mag ayos.
Tinapik ako ni Anthony sa balikat. "Bagay kayo ni Jessica na i team up sa isang grupo at gawin kayong leader." Sabi niya bigla.
"How could you say that?" Christian asked.
"Well. Marunong sila gumawa ng plans together and if we're on a game,I'm sure we will win because of them." Anthony Answered.
Napatahimik kami bigla. Oo nga no?
After a moment ay bumaba na ang mga girls.
Nakasuot sila nang pants na komportable para sa laban,T shirt at jacket.
"Nice outfit, Girls." Puri ni Anthony while smirking.
"Thank you Anthony. Well. You look good too in your outfit." Sabi ni Cassandra at nag wink kay Anthony. Umalis naman siya at pumunta sa kusina kung saan yung mga kasama niya.
Napatulala naman si Anthony. Nilapitan naman siya bigla ni Ashton at tinapik. "Bro, I think you just met your destiny." Asar ni Ashton sakanya.
Umiling lang si Anthony sakanya at tumawa.
Anong oras na ba?
Napatingin naman ako sa relo ko.
8:55 pm na pala.
-----
MARA JESSICA
"Boys! Maghapunan muna tayo bago tayo umalis." Rinig kong sigaw ni Cass sa mga lalake sa sala.
Nandito kaming lahat sa kusina at naghahanda nang hapunan namin. Yung iba tumutulong yung iba-Pasaway.
"Hmm! sa amoy palang masarap na!" Sabi ni Anthony bigla.
Umupo na kaming lahat at nagsimulang kumain.
Napansin kong nakakailang kain na si Mark.
"Ba't ang dami mong kumain? Sadyang matakaw ka lang ba ha? May away tayo mamaya." Sabi ni Jana.
"Pagpasensyahan niyo na yang ugok na yan. Ganyan talaga kapag adobo yung ulam." Sagot ni Xander.
I just shrugged. Still the same.
11 pm
Nandito kami ngayon malapit sa entrance ng Emigold Forest.
Tiningnan ko sila na naka tingin sa Emigold Forest.
"Okay guys, Pagkapasok naming mga girls.. Boys atake ha?" I said. Tumango naman sila.
Kaming mga girls ay pumunta na sa entrance ng forest habang ang mga boys ay sa kabila dumaan.
May hawak kaming mga kahoy at baseball bat. Alangan namang baril diba?
Nang malapit na kami sa end ng forest ay may nakita kaming isang warehouse.
Humigpit yung pagkahawak ko sa kahoy na dala dala ko. Gustong gusto ko silang patayin dahil sa ginawa nila sakanya.
Flashback
Binuksan ni Ren ang sobre at may kinuha na isang picture.
"WHAT THE FCK!!" she shouted and stood up.
"Bakit Ren?" Jana asked. Kinuha niya bigla ang picture mula sakanyang kamay at napatakip ng kanyang bibig. hanggang sa lahat ng girls ay nakita na ito.
Ako yung pinaka last na naka kita sa picture. kinuha ko ito kay Cass at tiningnan ito. Napatakip naman ako ng bibig.
Si Kielyn na naka tali at naka blindfold. Maraming pasa at sugat. She looks helpless.
Kinuom ko ang kamay ko dahil sa galit. I'm gonna kill them.
"Ladies, ba't nandito kayo? Gabi na ah baka mapano kayo." Sabi ng isang matabang lalaki ng makita kami. Nilibot ko yung paningin ko at lahat ng mga bantay sa warehouse ay nakatingin saamin.
We then started to act afraid.
"I-ilabas niyo yung k-kaibigan namin!" Cassandra shouted at them while acting scared.
Wag kayo.. Siya yung best actress ng Grupo. Walang aangal.
"Sino yung kaibigan niyo? Ang kakambal ng lider ng BRG?" Nakangising tanong ng isa.
"Si Ki-Kielyn! And.. S-She's not the Twin of that Leader!" I shouted scared.
"Hahahaha..." Tawa nila.
"Akala niyo maloloko niyo kami?" Natatawang sabi ng mataba.
"Hindi! S-she's not the twin of that BRG Leader. Her last name is Santos!" Jana shouted.
Tumigil naman sila sa pagkakatawa. Mukhang na realize din nila.
"Ha! Iniba lang ng magulang niya ang name niya!" Sabi ng isa pang lalaki.
"What's the real name of her twin?" I asked.
"Mara Jessica Pineda."
Napangisi naman ako.
"Hindi nga siya si Mara Jessica! She's Kielyn! Sabay kaming lumaki! Ilabas niyo na yung kaibigan namin!" Sigaw ko at sumugod na kami.
Kaso sa huli. we lose. Nag aact nga kami diba? Upang makapasok?
Nang makapasok na kami ay tinulak nila kami papasok at sinara ang pinto.
Sakit ah nun ah.
Tumayo na kami at tiningnan ang buong lugar. May mga bantay din dito sa loob.
"Ang lakas naman ng loob niyo upang sumugod dito." Sabi nang isang lalaki. Napatingin naman kami sakanya. he looks old pero gwapo. Parang ka edad niya sina Mama. At may tattoo siya sa bandang leeg niya.
Bilog ito na may skull sa gitna at may mga kakaibang disenyo pa ito na pumapalibot sa skull and I think its a lizard.
"Saan yung kaibigan namin!" Sigaw ko.
"Mamaya, girls. Makikita niyo din siya. Pag dating nang BRG." Nakangising sabi ng lalaki.
"Sino ka ba ha? Ba't mo ginagawa toh?!" Sigaw ni Cass.
Tiningnan naman siya ng lalaki.
"Just call me.. Demon." Nakangising sabi niya at tumalikod samin. Pumasok siya sa isang kwarto.
Sinipa bigla ni Cass ang isang lalaki na katabi niya at kinuha yung baril.
Naalerto naman ang mga Lalake dito. Buti nalang yung sinipa na lalaki ni Cass ay siya lang ang may baril kundi tigok kami dito.
Nilabas naman nila yung mga sandata nila. Kutsilyo,basebal bat at kahoy.
Kinuha ko ang isang bakal sa sahig.
"Dead or Sleep?" Jana Asked.
"Sleep." I answered.
And sumugod samin agad yung mga lalaki. ilan ba sila? mga 10 and above siguro.
Hinampas ko ng malakas ang lalaki na sumugod sa dereksyon ko. Sinipa ko naman yung isa pang susugod sakin na may dalang baseball bat at natumba naman siya.
Sinuntok ko siya ng bumangon siya. Edi naka tulog!
Humihingal kami pagkatapos naming makalaban ang lahat. Tumakbo kami kaagad sa kwarto na pinasukan nung Demon.
Sinipa ko ito ng napaka lakas lakas at bumukas ito.
Nakit namin si Kielyn. Walang malay na naka tali sa kama.
"Kielyn!" We shouted at pumunta sakanya.
Inutusan ko si Jana at Cass to find that Demon.
Habang kami naman ni Rena ay kinakalas si Kielyn at pumasok naman ang mga boys.
"Sh*t." Alexander said at binuhat niya si Kielyn.
Lumabas na kami ng Warehouse.
"Jessica." Napalingon ako sa tumawag sakin.
Si Jana pala.
"Wala si Demon." Sabi ni Cass.
"DEMON?!" Sigaw ni Mark at kinuom ang kanyang mga kamay.
"Bakit Mark?" Tanong ni Jana.
"Long story. Pero guys, dapat na nating dalhin si Kielyn sa hospital." Xander interrupted.
Tumakbo naman kami at pumunta sa mga kotse na dala namin.
Nasa likod kami ni Jana,Ashton at Mark. Ang iba nasa isang sasakyan. Sa sobrang pagod ko. napahiga nalang ako sa balikat ni Mark. Di naman umangal si Mark at hinayaan ako.
Sobrang nakakapagod ang araw na 'to!