Chapter 27

830 Words
Twenty-seven : Player's moment   CASSANDRA MAE Ilang sandali ay nagpaalam na ko kay Kieffer dahil may klase pa kami. Grabe ang saya saya niya kausap! Napag alaman kong Gr.12 na pala ito. Sabi ko sakanya na tatawagin ko siyang kuya kaso ayaw naman niya. Ang arte HAHAHA! Naglalakad na ko patungong classroom namin ng may bumangga saakin. Aba, loko to ah! Di man lang nagsorry! Teka, si Anthony yun ah? Ba't hindi niya ko pinansin? Gagong yun, binangga pa ko! Umirap nalang ako at nagpatuloy sa paglalakad.       CHRISTIAN RYU Tapos na ang 1st period namin sa afternoon at bigla namang pumasok si Anthony na parang naiinis? Ewan. "Problema mo, bro?" Tanong ni Kuya Ashton sakanya ng maupo ito sa kanyang tabi. "Wala ka na dun." Sagot nito. Nagkatinginan naman kaming lahat. Napano yun? Maya maya ay dumating na si Cassandra at kasunod nito ay ang teacher namin. Napatingin naman ako bigla kay Anthony at nakita ko siyang tinitingnan si Cass at agad ding umiwas. Hmm? Nagka group activity kami ngayon at luckily magkagroup kaming lahat. Oo, pati ang girls. "So, sabi ni Ma'am mag rorole play tayo about friendship. We only have 30 minutes to plan and Practice. After 30 minutes ay mag rorole play na tayo sa harap." Sabi ni Mark. Since we have 2 hours in this class, I'm sure na all of us ay makakatapos sa role play na iyan. Pansin ko lang, tuwing magsasalita si Anthony ay tumatahimik si Cass. At kapag si Cass naman ang nagsasalita, si Anthony naman ang tumatahimik. Nag kibit balikat nalang ako. Yaan mo na nga. After ilang pagtatalo ay Nakapag decide na kami kung ano ang plot ng role play namin. Bestfriend vs. Boyfriend ang story namin. Nagpractice na kami ngayon at maya maya ay pumalakpak na si Ma'am. "Okay, class! I guess you can present your role play on Monday para maka pagpractice pa kayo at makapagprepare. Good bye class." Paalam ng teacher namin at umalis na. Inayos naman namin ang aming upuan dahil pinaikot naming ang aming upuan kanina.     ANTHONY Inis na inis parin ako sa nakita ko kanina. May boyfriend na nga siya, nakuha pang lumandi sa iba! Teka, Anthony. Ikaw? Boyfriend niya? Akala ko ba laro laro niyo lang to? Ginulo ko nalang ang buhok ko at bumuntong hininga. "Is there something wrong, Mr. Cruz?" Tanong ng teacher namin ngayon, "No, Sir." Sagot ko naman. "Bro, are you really okay?" Tanong ni Mark sakin. Tumango naman ako bilang sagot. "Nako, Bro. Hayaan niyo na yang si Anthony, namomroblema lang yan sa chix!" Nakangising sabi ni Xander. Umiling naman ako at nag focus nalang sa klase.   ***   Ilang araw na ang nakalipas at hindi kami nagpapansinan ni Cass. Natapos na din ang role play namin at ang mga walanghiya kong mga kasama, ginawa pa kaming mag bf-gf ni cass sa roleplay namin. Hindi ko alam kung bakit naiinis ako kay Cass ng makita ko siyang may kinakausap na lalake sa garden last time. I was there the whole time until they parted ways. Hindi ko narinig ang mga pinag usapan nila kasi malayo ako sa kanila at nagtatago ako. Ewan ko ba kung bakit ko siya sinundan no'n. Nandito ako ngayon sa rooftop. May klase pa pero hindi ako umatend. Eh sa gusto ko mag cutting class, eh. May magagawa kayo? (Wag niyong tularan!) At dahil sobrang tahimik dito at boring. Sinuot ko ang aking headphone at nakinig sa music. Pumikit naman ako at nakisabay sa kanta. Ang sarap talaga ng hangin dito! Kumunot naman bigla ang noo ko ng may naamoy ako. Ang bango. Pamilyar sakin ng amoy pero di ko lang alam kung saan ko ito naamoy. Bahala na nga diyan! Humiga naman ako at tumagilid. Matutulog muna ako. ---   Hmm.. Ang sarap ng tulog ko! Umupo naman ako at tsaka nag inat. Kumunot naman ang noo ko ng may nawakahan akong malambot na bagay. Di pa ko nagmulat dahil baka kung ano pa tong nahawakan ko! Pinisil pisil ko naman to. Hala, ang lambot talaga! Ang sarap pisilin! Nabigla naman ako ng gumalaw ito at sinampal pa ko. Napamulat naman ako agad. Lumaki naman bigla ang mata ko. Si... Si Cassandra! "Bastos!" Sigaw niya. Yung nahawakan ko kanina na malambot ay yung ano.... Yung ano ni Cass. Basta, yung ano niya.. Yung malambot na bagay na pinisil ko ay ano ni Cass... Nahawakan ko yung ano.. yung legs ni Cass! Hala, di ko naman sinadya yun eh! Di ko naman alam na nasa tabi ko pala siya! (Ehem..) "S-sorry, Cass! Di ko naman alam na-" Nilagay niya yung daliri niya sa bibig ko. "Okay lang. Kanina ka pa naming hinahanap. Gigisingin na sana kita kaso ang sarap ng tulog mo kaya pinauna ko nalang sila." Sabi niya. Sa lap niya pala ako natulog. "Tara, umuwi na tayo. 5 na oh." Aya niya. Tumango naman ako at sabay na kaming lumakad papuntang parking lot. "Hatid na kita." At nginitian ko siya. Tumango naman siya at pumasok na kami sa aking sasakyan. Napatingin naman ako sa phone ko ng mag vibrate ito. From : Mark Hey, Anthony! Magkita tayo sa tambayan bukas! I sighed and replied 'ok.' Napatingin naman ako kay Cass na nasa shotgun seat na nakatingin sa labas. Ilang sandali ay pinaandar ko na ang sasakyan at umalis na kami.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD