Twenty-five : Sino kaya yun?
ASHTON LUKE
Nasa cafeteria kami ngayon ng biglang tumayo si Rena. Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"May ipapakita ako sainyo!" Excited na sabi niya.
Nilagay niya yung tab niya sa harap kaya nag compress naman kami para lahat kami ay makakita.
"Kinopya ko lang to from my camera, ah?" Sabi ni Rena at pinindot na ang play button.
May isang lalake na nakatayo at para bang may hinihintay. Teka.. Si Anthony yan ah?
Bigla naman siyang napatingin sakanyang cellphone at para bang natigilian. Bigla naman may babaeng sumulpot sa video at dahan dahang pumunta sa likuran ni Anthony. Niyakap naman ng babae si Anthony.
"Hi, Babe." Narinig kong bulong ng babae. Familiar ng girl.
Bigla namang kumaripas ng takbo si Anthony sabay sigaw ng, "UWAAAAAAAAAAHHH MAMA!!!"
Tumawa naman kaming lahat habang si Anthony naman ay yumuko sa kahihiyan.
"B-bro! D-di ko hahaha a-alam na matatakutin k-ka.. pala! Hahahaha." Natatawang sabi ni Mark kay Anthony na ngayo'y tinitingnan ng masama si Rena na nakangisi.
"Ikaw pala yung nagtext sakin at ikaw din yung babaeng yumakap sakin." Sabi ni Anthony.
Nag peace sign naman si Rena.
Kinuha ko yung cellphone ni Anthony at binasa ang conversation nila ni Rena.
Napatawa naman ako at ipinakita sa kanila. Tumawa naman kami lalo habang si Anthony ay mas lalo pang sumimangot at tinitingnan ng masama si Rena na nakisabay samin sa pagtawa.
***
Naglalakad ako ngayon ng mag isa sa corridor pabalik ng room ko dahil nag pumunta ako sa CR ng makasalubong ko si Ms. Rodriguez. Ang ganda talaga ni Ms. Rodriguez! Ligawan ko kaya siya? Total nasa mid 20's pa naman siya. Oy, Ashton! Ano ba yang pinag iisip mo?!
"Good Afternoon Ms. Rodriguez." Nakangiting bati ko sakanya. Namula naman si Ms. Rodriguez. Naks! Ang gwapo ko talaga!
"Good Afternoon din, Mr. Perez." Nakangiting bati niya din sakin.
"Ah, Mr. Perez, pwede mo bang maidala ang mga ito sa faculty room?" Pakiusap ni Ms. Rodriguez sakin sabay abot sakin ng isang bag at iilang mga folders na hawak hawak niya.
Ngumiti naman ako at inabot iyon, "Sure ma'am!" Sagot ko sabay kindat. Kinikilig na to si Ms. Rodriguez, pustahan!
"Sa Science Faculty room ah? Thank you." Sabi niya sakin bago siya lumakad papalayo sakin.
Nakangiting naglakad naman ako papuntang Science faculty room. Medyo malayo ang Science Faculty room dahil nasa Gr.8 building ito. Math and English Faculty room kasi ang nasa Gr.10 kaya ayon.
Salamat naman at nakarating nadin ako sa Faculty room! Kumatok muna ako bago ko binuksan ang pinto.
"Uhm.. Ilalagay ko lang sana sa desk ni Ms. Rodriguez." Nakangiting sabi ko sa mga iilang teachers na nandito sa faculty. Tumango naman sila at tinuro ang desk ni Ms. Rodriguez. Pumasok naman ako sa loob at inilagay doon sa desk niya.
Lumabas naman ako at mabilis na lumakad papuntang Gr.10 building. Pinagtitinginan kasi ako ng mga iilang Gr.8 dito eh. Naks! Ang gwapo ko talaga! (Ay ang hangin! Umalis ka na nga dito sa building namin bago pa kami tangayin ng kahanginan mo!)
Pabalik na sana ako sa room ng mapadaan ako sa CR ng mga girls at may narinig akong mahinang ungol.
Dahil curious ako ay sumilip ako. Tsk! Hapon pa nga lang nakikipaglandian na si Anthony! Hinayaan ko nalang si Anthony sa pakikipaghalikan sa babae niya. Ilang saglit ay nandito nako sa room naming at umupo na. Handa na sana akong makinig sa guro namin ng may narealize ako. Yung kahalikan ni Anthony! Si-Ay mali, baka nagmalikmata lang ata ako.