Five : Confident
JAMES MARK
"Kuya, What if matalo tayo?" Tanong ni Chris kay Ashton na kasalukuyang tumitingin sa mga weapons namin.
"Asa naman yan Chris, they're just a bunch of weak girls. They can't defeat us. We're The Bad Royalty, right?" Kampanteng sagot ng kanyang kuya sabay tingin kay Chris.
Nasa Bahay namin kami ngayon. Well hindi naman siya sobrang laki o sobrang liit. Tama lang sa aming lima. Dito kami pumupunta kapag trip namin o talagang trip lang namin. Lol Hahahaha
"Yeah kuya." Sang ayon ni Chris kay Ash.
Umakbay naman si Anthony kay Chris,"Ano ka ba naman Christian! Don't say na natatakot ka sa mga babae na yun?" Asar ni Anthony kay Chris. "Hindi ah!" Sagot naman ni Chris at bumusangot. Haha!
Umupo na silang lahat sa sala maliban kay Xander. Hay! Malamang sa alamang nasa mini library lang namin siya dito. Tsk. Nerd would always be a nerd.
"So.. Ano, dadayain ba natin sila to win?" Tanong ni Anthony.
Tiningnan siya namin. "Nope, they're just a girl, I'm sure that we'll win." Kampanteng sabi ko.
Tumango naman sila. I smirked. Nobody can defeat Bad Royalty Gang!
----
ALEXANDER
Hay salamat at natapos ko ding mag review ng mga notes! Tumayo ako at bumaba na sa library.
Nakita ko sila na naka upo sa sala at nanonood ng.........Movie. Baka kung ano nasa isip niyo ha?
"Guys, Punta lang ako ng mall.. Bibili ako ng bagong libro. May ipabibili ba kayo?" I asked them.
"Ice cream." Ashton.
"Cheesecake." Christian.
"Chics." Anthony-- Sinamaan ko siya ng tingin but he just laughed. They know that i don't know how to approach girls. Sa katunayan nga eh.. I don't have a girlfriend-- since we broke up. Haish! Naaalala ko naman siya! Tss.
Tumango ako at lumabas na ng Bahay namin.
Our Gang's house is located 75 km away from school... Ata? aba malay ko! basta malayo sa school at medyo malapit sa Secret ground. Ang Secret ground is kung saan palaging tumatambay ang mga gangsters.
After few minutes of walking, nakarating na ko sa Mall.
Nilakad ko nalang total malapit lang naman ito sa Secret House namin. Alangan naan mag da-drive pa ko papunta dito?
Pagpasok ko sa mall, pumunta agad ako sa National Book Store.
After kung makabili ng libro, dumiretso ako sa super market at bumili ng Ice cream na cookies 'n cream na flavor. 1 liter pa. Abah! Si Ashton kaya ang kakain ng Icre cream!
Next naman ay bumili ako ng blue berry cheesecake. Take note, 1 whole cheesecake pa yan ah? Si Bunso pa! Eh ang lakas niyan kumain ng Cheesecake eh!
Pagkatapos kong bumili sa mall, uuwi na sana ako kaso...
May nakabangga ako.
Nagkalat ang mga gamit niya kaya tinulungan ko siyang pulutin isa-isa yon.
"Sorry, Miss." Paumanhin ko.
Tumango lang siya. Tahimik ah.
Wait.. Siya yung kasama ng babae na naglakas loob sabihan kaming mahina ah!
Aaalis na sana siya kaso hinigit ko siya sa braso. Tiningnan niya ko ng nagtataka.
"Sorry. But, can I ask your name?" Tanong ko.
"Kielyn Santos. Ikaw?"
"Alexander Williams."
Pagkatapos no'n ay nag shake hands kami.
Napatingin naman ako sa.. Librong niyayakap-yakap niya.
What the hell?
"D-diba.. Y-yan ang libro ni.." Gulat na sabi ko.
Tumawa naman siya."Yep.. Eto nga, Buti na nga lang nakakita ako nito last week eh." Sabi niya.
Tinitigan ko parin ang libro. What the?! limited lang niyan eh!
Napansin niya ata na nakititig parin ako sa libro na yakap-yakap niya.
"Oh! Gusto mong basahin to? Sayo nalang." Sabi niya.
"Eh?! Nakakahiya, wag nalang."
"Okay lang, natapos ko naman to eh." Sabi niya kaya kinuha ko nalang.
After that incident, umuwi na ko.
"CHEESE CAKE!!!" Sigaw ni Christian at dali-daling kinuha ang Cheesecake na dala ko tsaka tumakbo papuntang kusina. Napailing nalang ako.
Si Ashton naman ay kinuha din saken ang ice cream at nagpasalamat.
"Tol! Yung chics ko?!" Sabi ni Anthony saken. Tiningnan ko lang siya ng masama. Pero ang g*go, tumawa lang.
Pumanhik na 'ko sa itaas at inilagay ang binili kong libro sa mini bookshelf ko dito.
Humiga ako sa kama ko at tumitig sa kisame.
What if kung matalo kami?
What if kung mas malakas pa sila kesa samin? Magaling?
Aish! Xander! Wag mong isipan ang mga yan! Isipin mo na mananalo kayo! Tama! Yan nga xander! Mananalo kayo kasi mga babae lang sila!
Napabuntong hininga nalang ako. Kami ang Bad Royalty Gang. Na kinatatakutan ng lahat. Magaling sa lahat at walang makakatalo saamin.
Tumagilid ako at umidlip.