MULING MAGING AKIN Chapter 13: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Matapos ang mainit naming bakbakan ni Jasper sa banyo, nasundan pa muli iyon sa kama ng makailang beses pa. Huling pagkikita na rin lang naman kaya hinayaan ko na masulit niya ako. Kawawa naman eh, mukhang sabik na sabik sa akin eh. Hindi ko naman siya masisi kung sarap na sarap siya sa akin. Masarap talaga ako. Iyon madalas niya sabihin sa akin noon pa man nang mag-asawa pa kami. (Sabay flipped hair) Pagod na pagod ako mula pa kagabi pero mas pagod itong katabi ko na ang lakas na ng hilik. Mabilis kong inayos ang sarili at mga gamit ko para makalabas na ako. Kailangan ko na bumalik sa Romblon dahil sigurado na hinahanap na ako ni Zanyca. Hindi na ako personal nagpaalam sa bagong kasal dahil magising si Jasper at maabutan p

