MULING MAGING AKIN Chapter 62: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Rated SPG! “Bakit ang tagal mo sa banyo? Akala ko nakatulog ka na eh. Dalhan na sana kita ng kumot at unan.” Kakabalik ko pa lang sa table namin. Feeling ko ang haggard ko na. “Sorry naman, ang sakit kasi ng tiyan ko eh, na impatso yata ako sa dami ng nakain ko.” Alanganing ngiti ang binigay ko sa kanya, sinuklian naman niya ito ng nagdududang tingin. Sa hindi kalayuan ay natanaw ko si Jasper na kakagaling lang sa direksyon ng banyo. Napaka presko pa ng lakad niya na parang walang ginawang kalokohan sa loob ng banyo. Nakapamulsa pa siya at hindi maalis alis ang ngisi sa labi. Nang makita niya ako na nakatingin sa kanya ay kumindat pa siya sa akin at bumigkas ng I love you na walang boses. Tinaasan ko lang siya

