MULING MAGING AKIN Chapter 101: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Cosmo Valteri Fontana.” Wow naman! Lalaking lalaki ang datingan. “Ohh… May lahi ba siya? Lakas maka-AFAM eh.” Usisa ko pa. “Yeah. His dad is Italian.” Napa ‘oh’ naman ako sa sinabi ng asawa ko. Kaya naman pala may itsura si Cosmo. Sayang lang kasi lalaki din ang gusto. “I’ll just remind you, Mrs. Smith na bawal ka mamangha sa kanya.” Ito naman, si K. J. “Hindi nga po, mister. Never!” Baka itakwil pa ko ng kapatid ko. “Eh, ilan ta—” “Stop asking na, hon. I will not answer it anymore. Puro na lang tungkol sa kanya ang tinatanong mo.” Napanguso naman ako, hindi pa talaga ako pinatapos sa isang tanong ko. Ang sabihin niya nag seselos lang siya! “Tsk. Sige na nga. Si Cosmo na lang ang tatanungin ko.” Pag kausap ko sa

