MULING MAGING AKIN Chapter 66: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Tapos na ako, hon.” Lumapit siya sa akin pero hindi ako tumingin sa kanya. Naamoy ko ang amoy ng sabon ko sa katawan niya. Para siyang naglalakad na tukso. “Ito muna ang suotin mo.” Inabot ko sa kanya ang malaki kong t-shirt ko pero hindi pa rin ako tumitingin sa kanya. Ilang minuto na ang nakalipas pero hindi pa rin kinuha ni Jasper ang T-shirt sa kamay ko kaya nag-angat na ako ng ulo para tignan siya. Nagsalubong ang mga mata namin pero siya ay magkasalubong din ang kilay. Lumipat ang tingin niya sa hawak kong damit tsaka muling tumingin sa akin. “Bakit ayaw mo kunin?” Nagtataka kong tanong. Tinaasan ko siya ng isang kilay ng ngumuso siya. “Kaninong damit yan?” Tanong niya na kinataka ko. “Sa akin syempre. Kanino

