MULING MAGING AKIN Chapter 43: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Wala! Mosang ka talaga!” Napanguso naman si Lovebel sa akin. Hindi bagay. Ang kapal ng labi niya eh. “Nagtatanong lang eh! Nga pala, hinahanap ka ni Sir Sven kanina.” Umupo siya sa upuan sa harap ng table ko. “Anong sabi mo sa kanya?” tanong ko habang tinitignan ang files na ibibigay ko kay Sven. “Sabi ko natae ka pa.” Parang balewala niyang sabi ng hindi nakatingin sa akin at nagsimula na papakin ang kanyang kuko sa kanaang kamay. Kuko Crunch yarn? Hinampas ko sa kamay niya ang ang folder na hawak ko kaya gulat na gulat ang bruha. Dapat talaga sa bibig ko na lang hinampas eh, pati kuko kinakain. Sayang. “Pwede mo naman sabihin nagtungo lang sa c.r. yawa ka. Tumatae pa talaga.” “Ahehe, sorry na! Wala na kasi a

