MULING MAGING AKIN Chapter 73: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Ahm… saglit lang, hon. Kakatapos ko lang kasi maligo eh. Magbibihis lang po ako saglit.” Inilapag ko muna ang cellphone ko para mag suot ng underwear ko. “No. Now na.” Napanguso naman ako sa pagtutol niya. “Oo na! Magbibihis lang eh. Maninilip ka lang siguro.” Pabulong lang yung huling sinabi ko. “May sinasabi ka ba, hon?” Masungit niyang tanong. May regla yata ang lalaking ito. “Wala po, mahal kong asawa.” Sarkastiko kong sagot. Huli na ng ma-realize ko ang tinawag ko sa kanya. Biglang namatay ang tawag pero agad din syang tumawag ulit para sa video call. Sinagot ko naman agad dahil baka bigla pa siyang mag-transform. Nilapit ko sa mukha ko ang camera para hindi niya makita na wala akong damit na suot ngayon.

