MULING MAGING AKIN Chapter 99: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Alis ka muna sa ibabaw ko, hon. Kunin ko lang ang bag ko.” Hinalikan muna ako sa tiyan ng asawa ko bago umalis mula sa ibabaw ko. Bumangon na ako para kunin ang bag ko na nakapatong sa ibabaw ng dining table pero inunahan na kaagad ako ni Jasper. Mabilis siyang tumayo papuntang kusina. “Your mother is calling.” Hindi pa ako nakakalapit pero nakuha na agad ni Jasper ang cellphone ko sa loob ng bag. Curious talaga siya kung sino ang tumatawag sa maganda niyang asawa. “Ah, yes. Baka may importante na sasabihin. Saglit lang, hon. Sagutin ko na muna ang tawag.” Buti na lang pangalan ni mama ang lumabas kahit alam ko naman na si Zanyca ang makikipag-usap sa akin. Alam niyo ba na may dalawang uri ng mama? Mama Globe at Mama

