MULING MAGING AKIN Chapter 38: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . Mabilis akong pumasok sa loob at ni-locked ang pinto. Bahala na mamaya kung anong irarason ko bakit ko pa ni-locked ang pinto. “Hon?” Mahinang tawag ko kay Jasper. Wala kasi siya sa working table niya. Maganda nga pala ang office niya. It's a combination of colors gray and black, very manly. Napakabango din, amoy downy. Charr! Basta mabango! “Hon?” Muling tawag ko. “Ah!!!” Tili ko pero agad din may nag takip ng bibig ko mula sa likod. “Shh.. It's just me, hon.” Bulong sa akin ni Jasper. Humarap ako sa kanya at hinampas siya sa dibdib. Pasalamat siya hindi pa ako marunong mag-karate kundi, bali na sana ang buto at butō niya. “Bakit kasi kailangan magtago at bumulong pa? Tayong dalawa lang naman ang nandito.

