MULING MAGING AKIN Chapter 17: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – Kinaumagahan, maaga kami umalis ni Sven papasok sa trabaho. “May nangyari ba habang nasa Batangas ka?” Mahinahon at curious na tanong ni Sven. Nagmamaneho siya kaya hindi siya palagi tumitingin sa akin. Sayang, ang ganda ko pa naman. “Wala naman. Bakit mo natanong?” “Para kasing may malalim ka na iniisip simula nang umuwi ka. Nagkita ba kayo doon ng ex-husband mo?” “Yeah, isa daw kasi siya sa mga nag sponsor ng kasal ng mga kaibigan ko. Samantalang ako taga-balot lang ng shanghai sa handaan. Idol ko kasi si Ms. Sharon Cuneta.” Natawa naman si Sven. Palibhasa ganun din siya. “Mai, ang seryoso natin nag-uusap dito, puro ka lagi kalokohan. Pero seriously, may naging problema ba?” “Hm… Hindi naman problema. Hindi ko lang mai

