FIFTY SEVEN

796 Words

MULING MAGING AKIN Chapter 57: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Hoy, Sven!” Malakas na sigaw ko sa mukha niya. Delulu kasi. “Ha? Ano yun, Mai? Kanina ka pa ba diyan?” Gulat siyang nakatingin sa akin. Gusto ko matawa sa reaksyon ng mukha niya. Para kasi siya aatakihin sa nerbyos. Kapeng barako pa more! “Ayan! Tulala ka na naman. In love ka na ba? Sino yan ha?” Mapaghinala kong tanong. Dapat malaman ko kung kanino inlababo ang bestfriend ko. “H-ha?” Muntanga nyang sagot. “Halaman! Kanina pa ko daldal ng daldal dito, nasa ibang planeta naman pala isip mo. Sino ba kasi yan?” “Ha? Anong sino?” oh, diba? Puro ha? “Sino ba ang nagpatibok sa puso mo? Mukhang in-love ka na eh! Si Lovebel ba? Hehe.” Ito na yata ang tamang panahon para magka-girlfriend na ang matalik kong kaibigan.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD