MULING MAGING AKIN Chapter 15: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – . . . “Welcome home, mommy! I miss you!” Yumakap at humalik ako kay Zanyca. Sobrang na miss ko talaga ang batang ito. “Thank you, baby. Mommy misses you so much. This is all for you.” Masaya ko ipinakita sa kanya ang pasalubong kong pizza at stuffed toy na husky. Mahilig kasi sa aso si Zanyca. “Wow! Thank you, mommy!” Masayang pasasalamat ng anak ko. She's adorable, kahit sa maliliit na bagay marunong talaga siya magpasalamat at maka-appreciate. Kuntento na ako na kaming dalawa lang. Gagabayan ko siya hanggang pagtanda niya at kahit magkaroon na siya ng sariling pamilya. “You're welcome, anak. Kumusta ka dito?” “Masaya pala dito, mommy! Can we live here for a long time?” Napangiti ako ng magsalita na rin siya ng

