MULING MAGING AKIN Chapter 112: . . . Rayn Jasper’s Point of View – Pinagmamasdan ko ang magandang asawa ko na kasalukuyan ng natutulog dito sa sofa. Nakatulugan na niya ang paghihintay sa akin dito. Buong akala niya ay maagang maaga ako umaalis para pumasok sa opisina at gabing gabi na kung umuwi. Ang totoo, hindi naman ako umaalis ng bahay. Maghapon lang ako nakatambay sa office room ko dito lang din sa loob ng bahay namin. Madalas lang ako na nakamasid sa kanya sa CCTV na narito. Pinagmamasdan ko lang siya sa bawat kilos niya, kitang kita ng mga mata ko ang lihim niyang pag-iyak. Sobra akong nasaktan sa ginawa nila ni Sven sa akin pero hindi ko pa rin magawang iwan siya. Ang tagal ko hinintay ang pagkakataon na ito eh, tapos ngayon narito na ng dahil lang sa isang problema bibita

