MULING MAGING AKIN Chapter 28: ARYM ZCHRYNNE “MaiMai” – “Hon, I miss you so bad. I want to cuddle with you all night.” Pa-baby na sabi ni Jasper. Naglalambing ang kambing. Kung magkatabi lang kami ngayon, sigurado, nakalusot na ang ulo niya sa loob ng damit ko. “Ako din.” Mahinhing ngiti lang ang ginawa ko. Ayaw ko naman na isipin niya na atat ako sa kanya. “Really???” Exaggerated niyang tanong. Nakangiting tumango naman ako sa kanya. Na miss ko naman talaga siya. Cold lang ang pakikitungo ko sa kanya madalas pero sobrang nasasabik ako din ako sa kanya. Anong gagawin? Siya pa rin naman talaga ang nagmamay-ari ng puso ko hanggang ngayon. Maloloko ko ang ibang tao pero hindi ang sarili ko. Naka-video call kami ngayon at pareho na nakahiga. Wala pang suot na pang taas si Jaspe

