Barret's PoV Ngayon araw na 'to ang simula ng pag turo saakin ni kuya kal at ngayon hinihintay ko si nina na matapos sa pag bibihis niya, nailabas na pala siya sa hospital at okay na ang pakiramdam niya, hindi ko na ulit hahayaan na mangyari ulit 'yon. "Nina hindi ka pa ba tapos diyan?"sigaw ko at maya maya nakita kong bumababa na siya at nagulat ako dahil umepekto nanaman ang ganda niya saakin at mabilis nanaman ang pag t***k ng puso ko, sobrang ganda niya talaga. "Tapos na ako, tara na baka naiinip na 'yong kuya mo"sabi niya saakin baka talagang naiinip na 'yon si kuya kal baka nga kasama pa niya si claire eh at baka pati siya mainip na din dahil sa tagal namin dalawa. Lumabas na kami ng bahay at pinasakay ko na siya sa kotse at sumakay na din ako, ang bahay na tinitirahan namin ay b

