Chapter 5

1391 Words
Barrett's PoV "Sa lugar na sasaya ako at may mapagtritripan ako"sagot ko sa babaeng ito at napatingin naman siya sa akin at ngumisi ito kaya naman ngumisi din ako, kaysa sakanya mas okay ngang siya nalang ang kulitin ko eh. "Seriously? Are you a kid?"tanong niya sa akin kaya naman napatingin ako sakanya at umiling ako, umiwas din kaagad ako ng tingin at tumingin ako sa may bintana  tinignan ko ang phone ko kung may text at meron nga galing kay Claire. From: Love ko to~ Nabalitaan ko kay Kal na galit ka daw? Anyare bes? Akala ko ba magiging good mood ka palagi? Hindi ko pinansin ang text niya sa totoo lang nag seselos ako kay Kuya Kal sa tuwing nakukuha ni kuya ang atensyon ng bestfriend ko, hindi ko alam kung bakit, pero pag kausap ko naman si Claire parang tingin lang niya talaga sa akin ay isang kaibigan. "Are you okay?"tanong sa akin ng babaeng katabi ko ngayon at hindi naman ako umimik binalik ko na ang phone ko sa bulsa ko, nakarating kami sa isang mall at lumabas na kaagad ako sa kotse niya. "Kung tinatanong mo sa akin kung okay lang ako, hindi dahil halo-halo ang nararamdaman ko ngayon kaya labas ka muna doon"sabi ko sakanya at tumango naman ito, pumasok na kami sa mall at ang una namin pinuntahan ay ang isang skating kaya naman napatingin ako doon. May naalala ako sa skating na 'to naalala ko noon kaming tatlo kasama si Kuya Kal silang dalawa marunong pero ako hindi ako marunong, sila nag turo sa akin kung paano igalaw ang mga paa at kung paano tumayo sa sariling mga paa mismo at ikaw lang ang gagawa niyon. "Mukha ngang hindi ka okay kaya tara mag skating muna tayo."sabi niya sa akin at laking gulat ko ng hawakan niya ang kamay ko kaya naman nanlaki ang mga mata ko, pumunta kami sa bilihan ng ticket at siya na mismo bumili ng ticket naming dalawa. "I think you learn about this?"tanong niya sa akin at hindi naman ako umiimik ng ibigay niya sa akin ang sapatos na ka size ng paa ko kaya naman sinuot ko kaagad 'yon parang bata ako nito pag mag lalaro pa ako nito alam naman niya siguro na isa akong Mafia Boss. "I don't know how to skate."mahina kong sabi at napatingin naman siya sa akin at ngumiti siya sa akin kaya naman biglang tumibok ang puso ko ng kaunti lamang, hindi ko alam kung bakit para bang may pakiramdam ako sa bawat kilos niya na gagawin niya sa akin. "Tara tuturuan kita! Cheer up Barrett I know that you are hurt."sabi niya sa akin kaya naman kumuno't ang noo ko at napatingin sakanya, may lahing mang huhula ba 'tong kasama ko? Bakit parang alam niya lahat ng nangyayari sa akin? Pumasok na kami sa may malamig na skating area at sinuot ko na ang bonet ko sa may ulo ko at siya din nag suot pati gloves nag suot siya, ako hindi naman hindi naman ako 'yong taong lalamigin kaagad kaya okay lang saakin na walang gloves. Tinuruan niya ako kung paano igalaw ang mga paa at ginaya ko naman ang ginagawa niya kaya ng katagalan na tuto na din ako at nang makaramdam kami ng pagod lumabas muna kami para umupo, kumain ng mabibili dito sa loob mismo. Bumili lang kami ng tacoos dito at kumain na kaming dalawa habang ako nakatingin sakanya na kumakain at nanlaki ang mga mata ko ng may naiwan sauce sa may gilid ng labi niya kaya napaiwas ako ng tingin. "Hindi ko alam kung bakit ko 'to ginagawa"narinig kong sabi niya kaya naman napayuko lamang ako habang kumakain, kasi naman wala akong masabi sakanya hindi ako makapagisip pag kasama ko siya kahit ngayon lang kami nag kasama. "Pero sa tingin ko magiging mabuting kaibigan ako sayo sana ganoon ka din Barrett."sabi niya at tumingin naman ako sakanya at ngayon nakangiti siya saakin ng malawak kaya naman napangiti din ako sakanya ng malawak. "I don't regret that I met you for the first day remember that day?"tanong sa akin ni Nina at tumango naman ako at narinig ko siyang tumawa ng mahina kaya naman ngumuso ako sakanya at kumuno't ang noo ko ano naman ang tinatawa ng babaeng 'to? "Anong tinatawa mo diyan? Mukha ba akong nakakatawa?"tanong ko sakanya at mas lalo naman siyang tumawa kaya naman napalapit na ako sakanya sa pag kakaupo I mean lumapit ako sakanya para tanongin siya kung bakit siya tumatawa. "Wala wala, nga pala bakit naging Mafia Boss ka?"tanong niya sa akin kaya naman napahinto ako sa pag kakain ko ng tacoos, hindi ako umimik at sa halip uminom ako ng soft drinks na hawak ko kanina pa. "It's none of your business"seryoso kong sabi at tumango tango naman ito, pinag patuloy ang pag kain niya kaya naman ng matapos na akong kumain tumayo na ako at tinapon ko sa may basurahan ang pinag kainan ko bumalik ako wala na siya doon sa puwesto niya. Nasaan naman kaya ang babaeng 'yon? Pumunta ako sa may pinag upuan namin kanina at may nakalagay doon na papel at kinuha ko naman 'yon may nakasulat sa may papel kaya naman agad ko 'yon binasa. I'm sorry I need to go we can talk later or maybe tommorow, thanks for the time Barrett call me if you need something or talk about something 09347**** - Nina Nilukot ko kaagad ang papel na iyon at pumunta na ako sa palitan ng mga sapatos at nang makapagpalit na ako binalik ko na 'yon, lumabas na kaagad ako at nag para ako ng taxi para umuwi na lamang sa may mansyon. "Nakakasakit naman sa ulo ang babaeng 'yon, bigla bigla nalang pala nawawala 'yon tsk."bulong ko sa sarili ko at tumingin na lamang sa may bintana para naman gumaan ang loob ko at pati narin ang nararamdaman ko. Nina's PoV Dali dali kong pinaandar ang kotse ko para makaalis doon sa mall na 'yon at nang mapaandar ko na nang mabilis, ang phone ko nakita kong patuloy tumatawag sa akin si dad kaya naman nainis ako at napakagat ako ng labi ko. "Damn you dad I hope you die."bulong ko sa sarili ko, sa lahat ng ayaw ko 'yong iniistorbo ako sa moment ko na sobrang saya ko na, andoon na eh gusto ko nang makilala ng lubusan si Barrett at maging close siya pero umepal itong si dad. He even call me just for his business for what? Ano ang gagawin ko doon sa trabaho niya? Tutunganga at makikinig sa lahat ng payo niya na walang kwenta? Nakakasawa na nakakasawa na din pumatay ng mga inosenteng tao. Nakarating ako sa kompanya niya agad kong pinarada ang kotse ko at lumabas na agad ako, nag elevator na ako at nang makarating na ako, pumasok na kaagad ako sa office niya sabay sinamaan ko kaagad siya ng tingin. "What do think your doing my dear?"tanong niya sa akin. "You call me..."mahinahon kong sabi at tinaasan ko siya ng kilay wala akong pake kung tutukan niya ako ng baril hindi ako natatakot sakanya lalo't isa din ako sa kalahi niya, isa din akong Mafia at alam kong kaya niya din pumatay ng mga inosenteng tao. "Yes I call you because your getting  close to Mr.Smith am I right?"tanong niya sa akin at umiwas naman ako ng tingin sabay kumuha ako sa bulsa ko ng isang cigarette. "You're getting on my nerves dad, and I hate that you disturb me when I'm on a trip a happy trip."sabi ko sakanya at narinig ko naman siyang tumawa kaya naman napatingin ako sakanya ng masama. "I know right  and I can kill you when you don't follow me right? You are just a abandoned child."sabi niya kaya naman naiyukom ko ang mga kamao ko, ilang beses niya bang ipapamukha sa akin na isa lang akong ampon walang ina at magulang? Ilang beses niya ba ako gaganyanin tinuring ko siyang kapamilya at tatay pero bakit niya ginagawa saakin 'to? Dahil ba sa hindi niya ako tunay na anak at hindi ko siya tunay na ka dugo? Kaya ba ganito din ang nararamdaman ko sakanya? Inis at pagsisinungaling ko sakanya? **
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD