[LILING] Nakita ni Liling na nakasandal sa pinto ni Priam si Sienna. "Sienna. Anong ginagawa mo diyan?", takang tanong ni Liling kay Sienna. Napatingin naman si Sienna kay Liling na may bitbit na tiniklop na mga damit. "Ate Liling, ikaw pala. Inutusan lang ako ni Sir Priam. Pababa na rin ako.", wika nito kay Liling habang hindi nakatingin. Napatingin naman si Liling sa leeg nito. Aalis na sana si Sienna ngunit napahinto ito ng may mapansin si Liling sa leeg nito. "Sandali. Ano iyang nasa leeg mo? Namumula oh.", turo ni Liling sa nata-takpang hibla ng buhok ni Sienna sa leeg. Bigla namang inilagay ni Sienna ang kanang kamay sa leeg. "Kinagat kasi ako ng lamok nung naglilinis ako sa kwarto ni Sir Priam. Ang kati pa at kinamot ko...kaya ayun namula. Sige, Ate Liling. Bababa na ko baka

