[SIENNA] Kinabukasan, Ikalawang araw. Maagang nagising si Sienna. Nag-ayos muna siya bago lumabas ng kwarto. Nakasuot siya ng maternity notched neck striped dress. Ito ay above the knee. Nang matapos na siya ay lumabas na siya ng kwarto. Pumunta muna siya sa kwarto ni Liling. 'TOK' 'TOK' 'TOK' Unang katok niya ngunit hindi pa rin ito binubuksan. Naka-ilang katok siya bago siya pagbuksan ng pinto ni Liling. Nang magbukas ang pinto ay natawa siya sa itsura ni Liling. Halatang kakabangon lang nito. "Bakit?", bungad nito sa kanya na pilit iminimulat ang mata nito. Natawa siya dito, "Maghilamos ka kaya muna. May panis na laway pa diyan sa gilid ng labi mo.", sabay turo niya sa mukha ni Liling. "Huh?", sabay kapa naman ni Liling sa kanyang mukha at kuskos. "Kung tignan mo nalang sa sala

