Matapos kumain ang mga amo nila ay niligpit na nila ang mga pinagkainan ng mga ito at sila naman ang kakain. [SIENNA] "Ano ulam natin, Ate Liling?", tanong ni Sienna dito. "Tuyo lang ulam natin ngayon. Eh ang dami kong niluto pasikot-sikot lutuin iyong lobster tapos may dessert pa.", sagot naman nito. "Tawagin ko lang si Manong Dan.", wika niya dito sabay labas ng kusina para tawagin si Manong Dan. Nakita niya si Manong Dan sa garahe. Magsasalita na sana siya ng makita niya kung sino ang kausap nito. Napatingin ito sa gawi niya. Sir Priam. Napayuko siya dahil iniiwasan niya ito. Kahit hindi siya nakatingin dito ay ramdam niya na lumakad ito sa direksyon niya at nilagpasan siya. Nang makalagpas na ito ay ini-angat niya na ang ulo.niya ngunit nagulat siya nang nasa harapan niya na si

