Loraine Pretzerald (POV) Nagbibihis pa lang ako ng biglang may kumatok sa aking opisina dito sa hospital. "Dok, may pasyente po." Tawag sa akin ng isang staff. Tumango ako at mabilis na sinuot ang aking gown. Isa akong surgeon na nakakuha ng mataas na parangal at nakapagtapos sa ibang bansa. Maraming offer na nakakasilaw sa European Country, pero mas pinili ko dito manilbihan sa Pinas. Bukod sa mas gusto ditong mamalagi ng aking ina, gusto ko din tumulong sa mga kapos palad. Kung hindi libre ay madalas kalahati lang ang aking professional fee. Mabilis ang aking hakbang papalabas. Nasa hospital bed na ang lalaki sa emergency room, pinulsuhan ko ito at buhay pa naman. Nakakabit na ang oxygen kaya kumuha ako ng gunting at ginupit ko ang lahat ng suot nito. Habang nagtatanong ako sa nurse k

