The Ending

363 Words
Claire's POV: Umaga pa lang ay nag gayak na ako kumain , naligo at inihanda ang mga gamit na dadalhin sa byahe nang matapos sa paggagayak ay sinamahan ako ni mama na mag antay ng sasakyan na byabyahe papuntang Maynila. "Mamaya pa yata dadaan yung sasakyan mo nak" sabi ni mama "Sige na po ma, bumalik ka na sa loob ma at kaya ko na po magisa para po makapagpahinga ka na ma" sabi ko kay mama dahil mas maaga nagising si mama keysa saakin sa paghahanda rin ng mga babaonin at dadalhin doon sa Maynila. ilang minuto pa lang nakalipas ay biglang dumating si Sebastian "Claire buti naabutan pa kita" sabi ni Sebastian habang hinihingal pa ito kakatakbo "Bat ka andito? at bakit ka naman tumatakbo e may motorsiklo ka" tanong ko kay Sebastian "Wala akong gas e" sabi ni Sebastian na parang nahiya at napakamot na lang sa ulo "Bat ka kasi andito?" tanong ko sa kanya "Syempre, para makita ka!" sagot ni Sebastian "Makita man lang kita saglit okay na ako" at luckily naabutan pa nga kita thankyou lord! tuwang tuwa na pagkakasabi ni Sebastian "Ayy sya nga pala, buti andito ka may ibibigay ako sayo" iniabot ko kay Sebastian yung kwentas at singsing "May ibibigay din ako sayo" sabi ni Sebastian sabay kiss sa noo ko "Ano ba yan akala ko pa naman kung ano na" sabay pinalo ko sya sa braso "Hindi matutumbasan ng anumang bagay yung halik na yun at ikaw ang pinaka unang minahal ko na hindi ko makakalimutan" seryusong sabi ni Sebastian Dumating na nga yung sasakyan na papuntang Maynila at tinulungan ako ni Sebastian isakay yung mga gamit ko sabay yakap ng mahigpit "Claire, magiingat ka, hihintayin kita ha" pangako yan" sabi ni Sebastian habang kumakaway sya sa labas dahil umupo na ako sa loob ng sasakyan Habang paalis na yung sasakyan ay andun parin si Sebastian nakangiting kumakaway at sumasayaw pa ito walang pakealam sa mga taong nasa paligid nagpatugtog na rin sa loob ng sasakyan ng malungkot na kanta at biglang tumulo luha ko hindi ko mapigilan dahil kahit kailan walang makakatumbas sa pagibig na binuo naming dalawa. "Paalam mahal kong Sebastian"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD