Claire's POV:
Sobrang late na ng magising ako 9am na ng magising ako sa ingay ni mama sobrang busy kasi nya kakaluto sa mga pagkain na ihahanda sa fiesta. Tinulungan ko muna si mama sa paghuhugas ng mga sandok at pinggan na pinanggamit nya sa pagluluto. Maya't maya pa ay unti unti na ring dumadami ang mga bisita nagprepare na rin ako ng mga spoon & plates na gagamitin nila.
Fiesta na dito sa amin kaya may videoke at inuman session uminom na rin ako ng kaunti nakisabay na lang din ako sa mga bisita kumain at makipag kantahan.
Pagdating ng hapon ay unti unti na ring nagsialisan ang mga bisita. Tinulungan ko na lang din si mama sa pagliligpit sa mga kinainan at mga basong ginamit sa inuman.
Gabi na ng matapos kami ni mama sa lahat ng gawain. Umupo muna ako sa sofa at tiningnan ang aking cellphone at nag online sa f*******: pagkabukas ko sa aking messenger ay sobrang dami na pala ng messages sa groupchat hinahanap pala nila kung nasan ako kasi manonood pala kami ng paliga sa barangay.
Naligo na rin ako at nagbihis. Habang naglalakad papuntang basketball court ay biglang may humarurot na motor at huminto ito sa harap ko si Damian itong asungot na to hindi ko agad nakilala kasi ang laki ng pinagbago gumwapo ito at naging makinis ang balat, red lips, medyo matanda ako sa kanya ng 6 years pero di halata kasi matangkad ito.
"Sumakay ka na, papunta ka din ng court diba?" panoorin mo ko ha gagalingan ko para sayo" sabi ni Damian sabay winked.
Playboy at pakboy si Damian, halos iba't ibang mga babae ang dinadala sa bahay nila. Pogi din ito kaya mabilis lang maakit ang mga babae.
"Ano sasakay ka ba?" tanong nya ulit sa akin. "Bat ako sasakay eh may mga paa naman ako atsaka malapit lang din naman yung court!" sagot ko sa kanya. "Suplada!" sabi ni Damian sabay alis.
Malapit na ako sa court at nakasalubong ko si Sebastian hindi nya ako pinansin wow ha after that night biglang nagka amnesia o baka dahil lang sa kalasingan kaya nya ginawa yun. Haysst bahala na wala akong pake sa lalaking yun simula ngayon magkalimutan na!
"Claire! Dito ka umupo!" pasigaw na sabi ng mga tropa ko na nakaupo sa harap at kitang kita ang view ng mga players sa court. Sakto lang pagkadating ko magsisimula na ang liga.Pagkaupo ko ay kinapa ko ang aking pera at wala ito sa bulsa ko kaya dali dali akong bumaba sa court at hinanap iyon baka nga ay nahulog sa daan habang nakatingin sa daanan ay nabunggo ako kay Sebastian "Sa taas kasi ang tingin kung naglalakad hindi sa baba" sabi sakin ni Sebastian na para bang galit ito. Nagmamadali itong naglalakad kasi kanina pa sya inaantay ng ibang players.
Ibinalik ko ang tuon sa paghahanap ng pera ko medyo malayo na ako sa court at kinapa ko ulit yung kabila kong bulsa at nandun lang pala ang bente pesos kong pera para pambili ng energy drink para sa bestfriend ko. Kasali din kasi sya na maglalaro ng basketball isa din sa dahilan kung bat ako manonood. Bestfriend ko si Mattew simula pa nung mga bata pa kami hanggang ngayon ay ganun pa rin ang pagsasamahan namin walang nagbago.
Referee 1(naka mic): Vergara 23! asan kana! Ikaw na lang kulang sa team nyo! Hindi magsisimula ang laro kung kulang ang mga players! pasigaw na sabi ng referee.
Sabastian's POV:
Antagal naman ng babaeng yun akala ko ba manonood sya tas biglang nawawala hindi ako aakyat sa court hanggat wala pa si Claire.
"antagal mo naman!" kanina pa ako nag aantay sayo" sabi ni Sebastian
"ay wow ha dala dala ko ba yung bola? pagmamay ari ko ba ang court Sebastian at kailangan mo akong antayin?" sabi ko sa kanya.
"Gusto ko manood ka para may gana ako maglaro" Sebastian said (in a calm voice) sabay alis.
Bigla akong natulala at leave in shocked iniisip bawat salita na sinabi nya sa akin. Medyo kinilig din ako dun ha! "Andito ka lang pala Claire, bilisan mo nat marami ng tao nag aagawan ng mauupuan" sabi ng tropa kong si Timothy.
Nagsimula na ang laro, magaling din pala tong si Sebastian mag shoot ng bola nakailang puntos na sya ilang rounds pa lang ng laro. Maraming nagtitiliang mga babae kasi maraming poging players ang kasali ako naman ay chinicheer up yung bestfriend ko magaling din sya sa basketball at magka ibang team sila ni Sebastian.
While nagchicheer up binigay ko yung energy drink sa bestfriend ko kasi nagfoul kaya pinalitan muna sya ng kasamahan nya at nakatingin sa akin si Sebastian na para bang galit na naman tong taong toh! wala namang bago lagi naman!
Nang matapos na ang laro kinongrats ko ang bestfriend ko dahil yung team nila ang nanalo.Nakatingin sa akin ng masama si Sebastian habang umiinom ng tubig. Hindi ko na lang pinansin kasi nagsisiksikan na sa court dahil nagsisiuwian na ang mga tao.
"Claire, mauna na kami sa tambayan natin ha, sumunod ka na lang" sabi ni Timothy dahil magiinuman na naman tong mga toh ano pa nga ba.
"Sige susunod na lang ako sabay kami ni Matthew pauwi" sagot ko kay Timothy.
Habang naglalakad kami ni Matthew ay bigla kaming hinarang ni Damian "Claire, sumakay ka na hatid na kita sa inyo ayuko napapagod ang aking disney princess" pabirong sabi Damian.
"May mga paa naman kami bro, masarap kaya maglakad pag gabi" sabi naman ni Matthew.
"Pre, sabay na kami ni Claire" sabi ni Sebastian na nasa likuran pala namin ito.
Tumango na lang si Damian kasi wala naman syang magagawa takot sya kay Sebastian. Magkakaibigan sila Matthew, Damian at Sebastian peru bihira lang sumama si Matthew sa kanila kasi goodboy ito.
"Claire, ingat ka pauwi" malungkot na pagkakasabi ni Matthew. I can see it in his eyes na nagpaubaya na lang sya kay Sebastian. Mabait kasi tong bestfriend ko respectful at gentleman pa.
"Matt----" hindi ko na nasabi ang gusto kong sabihin dahil naglakad na ng mabilis si Matthew pauwi.
"Hindi ka ba marunong maglakad mag isa? " pabiro kong tanong kay Sebastian.
"Marunong naman peru mas masarap kasi maglakad kung ikaw yung kasama" Sebastian said while smiling.
"Bulero!" sabi ko kay Sebastian sabay taray . Maglakad na lang kaya ako magisa siguro peaceful pa!"
Tatakbo na sana ako ng bigla nyang hinawakan ang aking kamay at hinawakan nya ito mahigpit sabay holding hands.
Bigla akong nahiya kasi maraming tao ang nakasunod sa amin habang naglalakad pauwi.
"Bitawan moko kung ayaw mong maissue tayo kinabukasan" sabi ko kay Sebastian habang lumilingon lingon sa likuran.
Hindi sya umimik at hindi nya rin binitawan ang aking kamay sapagkat hinawakan nya pa ito ng mahigpit.
"Claire, yung nangyari kagabi, Im really sorry nadala lang ako sa kalasingan. sabi ni Sebastian.
"Ah yun, wala lang yun ano ka ba! atsaka hindi naman big deal sakin yun! kinalimutan ko na nga yun e. Pagsisinungaling ko sapagkat yung halik na yun ay hinding hindi ko makakalimutan.
"Malapit na tayo sa bahay nyo, pwede mo ng bitawan kamay ko parang ayaw mong bitawan e!" pabirong sabi ni Sebastian
"Huyy assuming ka ha! Ikaw nga tong sobrang higpit kung makahawak sa kamay ko e!" sabi ko sa kanya habang tumatawa
Binitawan ni Sebastian ang aking kamay at hinalikan nya ako sa noo sabay sabing "goodnight, sleepwell" at naglakad na ito papalayo.
T*ngin* pano ako makakapag sleepwell nito sa kilig! Naglakad na ko papasok ng bahay na para bang lumutang ako. Humiga na ako sa aking higaan at iniimagine ko pa rin ang bawat pangyayari hanggang sa makatulog ako.